Search Your Favorite Food here

Thursday, July 4, 2013

Fresh Young Jackfruit Cooked in Fresh Coconut milk..(GINATAANG LANGKA)

No more Coconut milk in canned,No more Jackfruit in canned...Paminsan naman makakain ng totoong sangkap na mula sa sariwang gulay at sariwang niyog..
Kapag nasa ibang bansa mahirap itong gawin,Mayroon man syempre mahal itong bilhin,Anyway ,"Gagawa ako ng lutong may totoong lasa" ,"Ang ginataang langka"..
Ginataang Langka.."Yummy."


Kung gusto nyong manood ng video tutorial ,just click the image below and for more details of the recipe just scroll down and you can see the cooking tips..


Ginataang Langka ..


sliced langka

how to to make grated coconut in the Philippines 


Ingredients..

1 kilo fresh young jackfruit..cleaned and sliced thinly
1/4 kilo of fresh shrimps
3 cups Coconut milk
1/2 cup Vinegar
1 tbsp bagoong.
pinch of
black pepper
chopped onion
chopped garlic
chopped tomatoes
cayenne pepper or siling labuyo
cooking oil..

PAGLULUTO...

Kailangang hugas at piniga sa asin ang inyong sariwang langka..at piga na ang inyong niyog na inad ad..
Sa Pilipinas ngayon may nabibilhan na ng niyog na bukod sa ad ad na..pinipiga na nila ito ,so wala po itong tubig kunde coconut cream lang..pero okay den naman na kayo na ang pumiga ,gagamitan nyo lang ito ng tubig...syempre alam nyo na yan ..

At ihanda nyo ang mga sahog na hiwa na at may tamang sukat at dami ayon sa inyong dami ng taong pakakainin..ang lasa at alat ay ayon sa inyong dila..





Sa isang lutuan na kawali o kasirola..Magpainit ng mga 2 to 3 tbsp na cooking oil,pwde kayong gumamit ng coconut oil kung mayroon..Then igigisa naten ang luya at bawang...



Then isunod ang sibuyas at kamatis..igisang mabuti...


At isunod ang 1 tbsp of bagoong ,kung luto na ang inyong bagoong wag nyo na itong lagyan ng suka..if fresh o hilaw ang bagoong iluto ito sa kaunting suka at 1 tsp na asukal..haluin at takpan ng kalahating minuto..



Kapag okay na ang ginisang bagoong,ihulog ang mga hipon..haluin at takpan para mamula..


 And then isusunod naten ang sariwang langka...haluin ng pagisa at takpan ng isang minuto..


 After nito,ibuhos ang 3 cups na Coconut milk ,kapag matigas pa ang inyong langka add more coconut milk or some water...adjust the liquid according sa dami ng inyong niluluto..you cann cook the langka without water ,just use only coconut milk..you can use coconut cream as the main gata..and the coconut milk as the water alternative..to make your gata recipe more creamier and yummy..


And the last adjust the taste,add patis,asin ,paminta,siling pulbos...at siling labuyo..


Then takpan at hayaang maluto..there are 2 types of ginataan style ..one is mamantika and yung isa macreamy sa gata...
if niluto nyo ng matagal pagmamantikain nyo yung niluluto nyo sa gata..the other one is creamy style ,it is the type na di nyo ito lulutuing masisimot ang gata ,papatayin nyo na ang apoy kapag luto na ang langka ,pero creamy itong hahanguin nyo..

And then may yummy creamy ginataang langka na kayo..

Enjoy your meal...see you next time..





Sunday, June 23, 2013

Easy Cassava Cake Recipe

Pag gawa ng Cassava Cake ay may ibat ibang klase o istilo ng pagtitimpla..may gumagamit ng cassava powder ..at ng sariwang inad ad na cassava o yung kamoteng kahoy...may naghahalo ng keso ,macapuno,condensed milk,evap milk...at may naglalagay ng arina para ito ay dumami ..

Ipapakita ko po sa inyo ang totoong masarap na Cassava Cake na gamit ay purong Kamoteng Kahoy..puwede naman po ang Cassava Powder kung wala namang mabilhan....sawa na kase ako sa mga processed product so dito muna tayo sa totoong ingredients...
Lets get started....

luweeh's cassava cake

yummy cassava cake
Easy homemade Cassava Cake



Kung gusto ng purong cassava ..Sundin lang po ang pag luluto ko at madali nyong makukuha ang masarap at malinamnam na Cassava Cake..

Alalahanin lang po ..ito po ay pagkaing di healthy diet...Diabetic food po ito so..remind ko lang sa mga mahihilig ng matatamis..eat in moderation and don't forget to drink plenty of water..

Video Tutorial...watch the image below and for more details of the recipe just continue scroll down ..





Ingredients

1 kilo Shredded Fresh Cassava
1 cup Coconut Milk ...
1 cup melted butter
2 eggs
1 canned condensed Milk..ordinary size..adjust if needed
1 cup sugar or adjust if needed
half cup grated cheese
2 tbsp Parmesan cheese
3 tbsp macapuno sweets
Margarine for top brushing

Shredded Cassava..



Cassava Cake Ingredients




Procedure..


Haluin mabuti then i add ang Condensed Milk


At lagyan ng Coconut Milk ..haluin syempre..

Haluing mabuti para pumantay ang timpla

Mag ad ad ng keso..Shredded Cheese

Ihalo ang keso...


Ilagay ang 2 itlog then haluin hanggang maging isa ang kulay..

Ganyan yung resulta ng tinimplang Cassava Mix.. na ibe bake..

Ihanda ang tray na paglalagyan para ibake...at mga pangsahog sa ibabaw ng cassava cake..
and then preheat the oven for about 320 degree na init..

Ibuhos sa Baking Tray na pinahiran ng butter

Ipasok sa oven at lutuin ng ilang minuto...

Obserbahan at ilabas ang cake ng di pa luto ...para sa toppings...budburan ng parmesan cheese . 


3 tbsp ng condensed milk..ikalat sa ibabaw gamit ang kutsara

isunod ang macapuno...kahit 3 tbsp okay na..ikalat den sa ibabaw ng cake..


then ibalik sa oven at lutuin na ng complete...ng mga ilan pang minuto...

Ihanda ang brush at margarine..

After a minutes..ilabas at para makasigurong luto ,tusukin ng toothpick..at pahiran ng margarine sa ibabaw..ibalik sa oven..painitin ng kaunte sa oven ng patay na ang inyong kalan...at balikan para hanguin ...

hiwain at ready to serve na...

here is the yummy Cassava Cake...yum yum...

Creamy chewy Cassava Cake...

enjoy eating ...pero hindi po ito healthy diet so alalay po sa pagkain....





FOR MORE CASSAVA KAKANIN..TRY THESE RECIPES..

CASSAVA ESPASOL..YUMMY ..

http://luweehskitchencooking.blogspot.jp/2013/07/pag-gawa-ng-espasol.html



HOW ABOUT CASSAVA SUMAN..PABORITO KO ITO,Kayo kaya paborito ren ba ito?

http://luweehskitchencooking.blogspot.jp/search/label/Suman