Search Your Favorite Food here

Thursday, August 15, 2013

How to Make Kesong Puti o Kasilyo

Popular known as Kasilyo made of Carabaos Milk..Filipinos native white cheese wrapped in banana leaf,I learned this recipe dahil i love cottage cheese,Ako ang gumagawa ng sarili kong diet cheese..
minsan gawa sa nuts Milk..next time ko na ituturo..


kesong puti/kasilyo
VIDEO TUTORIAL..Click the image below





AND CONTINUE TO SCROLL DOWN TO KNOW THE EXACT DETAILS OF THE RECIPE..






Let's start making Kesong puti..The best kasilyo ang ituturo ko sa inyo,promise walang solian +.+

Ingredients are all simple at kaunti lang na time at gastos.


Mga Sangkap..
1000 ml. Carabaos Milk or Heavy Fat milk( Skim Milk )
3 tsp Sea Salt
3 tbsp Lemon Juice
1 tbsp Vinegar

Pag Luluto Ng Kesong Puti...

Gumawa ng 3 tbsp na lemon juice at itabi muna

Ibuhos sa kasirola na paglulutuan ang Carabaos Milk..

Add 3 tsp of sea salt ,ilagay sa gatas ng kalabaw,then pag haluin mabuti..

next,sa mahinang apoy,isalang ang kasirolang may gatas 

Haluin muna kahit mga 5 minutes ,then tikman ang lasa ng asin kung okay na.
kapa mainit init ng kaunti ang gatas,ihulog ang 3 tbsp na lemon juice..haluin ng 1 minute saka ihulog ang vinegar

bago ihulog ang 1 tbsp na vinegar..tikman baka maasim na..bawasan kung ayaw ng asim..

haluin lang ng haluin.makikita nyo itong mamumuo ng parang durog na taho..

ayan ang tsura na kailangang mangyare..hahaluin nyo ito ng mga 15 minutes ,wag lutuing mabuti o pakuluan..

kapag medyo napupuna nyo ang gatas at tubig ay naghihiwalay na ..patayin ang apoy at i cool down ng mga 5 minutes..


after 5 minutes..ihihiwalay natin ang cheese na nabuo at tubig sa salaang may katsa o cheese cloth

ibuhos sa cheese cloth at hayaang maalis ang mga tubig sa keso..

patuluin at bilutin ng katsa..wag mashado pipigain..para di mashado tumigas ...


kaunti lang na pisil para maalis ang liquid then okay na..
this is the results  


humulma sa isang platito ng square o idireche na sa daho ng saging..

then balutin ng dahon ng saging..at ilagay sa fridge kahit mga 5 to 10 minutes bago kainin..
pwedeng ipang regalo  ihain ng may presentation,kung gusto ng may arte..
after palamigin sa fridge..ayan! pwedeng ng kainin 

yummy and healthy..source of protein ang kasilyo

hope you like the recipe...

Kasilyo o kesong puti..try nyo..



Sunday, August 11, 2013

Adobong Paksiw na TILAPIA

Sarap diba! Lalo na sa tanghalian ,Kapag gutom ka at ganito ang ulam mo,patay tayo dyan!,.."sira na naman ang abs ko"...basta hinay lang tayo ,i mean yung workout wag kakalimutan at yung rice eat with moderation he he he..

Lasang Lechong paksiw na Tilapia

Sarap ng Adobong Paksiw na Tilapia
Simpleng Sangkap..

Fresh Tilapia..Kahit 1 medium size..cleaned and cut na.
soy sauce,sesame oil
Oyster sauce
Vinegar
Salted Black Beans
dahon ng Laurel
Black pepper,powdered and corn type
sugar or paldo mas better
Salt or Patis
Bulaklak ng saging
Garlic

Video of the Recipe..

Pag luluto..

Hiwain ang bawang ng maliliit(chopped)then adobohin ang sariwang tilapya/marinate style

mga sangkap

after an hours..iprito natin ang tilapia kasama ng dahon ng laurel

lagyan ng kaunting sesame oil habang piniprito

siguraduhing pritong prito ang tilapya..at isunod ang sibuyas na ginayat ,isunod den ang salted beans

dagdagan ng kaunti pang laurel at bulaklak ng saging..timplahan ng suka at toyo

timplahan ng oyster sauce at asukal.

magdagdag ng tubig kung gusto ng madami dami ang sauce..at iadjust den ang timpla

and then takpan ,sa mahinang apoy ,hayaang maluto...

Huwag kalimutang lagyan ng black pepper corn kahit kaunti


kapag luto na ,ready to serve na

Ayan na yung masarap na adobong paksiw na tilapia

Sana nagustuhan nyo ang putaheng ito

Kain na po..

sabaw pa lang lechong paksiw na...kalimutan muna ang baboy ..

enjoy your meal...













Wednesday, July 31, 2013

Pag Gawa ng MAJA UBE

Maja ube is katulad lang ng Maja Blanca,Dinagdagan lang ng ibang sangkap..Maja blanca is Maputi,Ngayon gagawa tayo ng ube na maja,creamy at ma jelly type..hindi yung chewy type..

MAJA UBE

Sliced maja ube
Kung gusto nyo panoorin sa video ang pag luluto ng maja ube,just click the image below,and for more details of the recipe just scroll down .and you can get the complete preparation.



Ingredients for Maja Ube..5 person recipe..
3 cups Coconut Milk
1 cup mashed fresh ube/purple yam
1 cup Cornstarch o yung gawgaw
1 cup ng condensed milk/adjust according to your taste
1 tbsp. unflavored gelatin
Desicated coconut/roasted
you can add latik too.




1 cup ng shredded ube

3 cups coconut milk

for toppings latik or desicated coconut/roasted 

1 tbsp unflavored gelatin

1 cup condensed milk..

Pag hahanda para gawin ang maja ube..

 Pag gawa ...

Sa isang Mixing bowl,Ibuhos ang 1 cup of coconut milk


1 cup or half ng condensed milk in canned..or adjust according to your taste..haluin and then set aside muna .

In another mixing bowl.combine the other ingredients,tulad ng 2 cups of coconut milk,

1 cup of cornstarch,haluin mabuti hanggang mawala ang pulbos..

then we can add the mashed ube..haluin den itong mabuti ,make it single color ,light ube color

Kung mapapansin nyo kahit naihalo nyo na,may ube na namumuo so ang gagawen naten dito ..


Salain ng maalis ang buong ube at mapino naten ang batter at maging creamy sya.

Kapag nasala nyo na..ayusen nyo kung okay na yung lasa at ihanda ang kawaling pag lulutuan..if possible use non sticky na kawali..

Ibuhos ang tinimpla sa kawali ng mayroong kaunting butter or mantikilya..1 tsp is ok na..but mas okay kung yung pinaglutuan ng latik..

hayaang maluto at mamuo ang cornstarch..huwag iiwan ito ,haluin lang ng haluin ..


after 10 minutes magiging ganito ang itsura ng niluluto nyo..in medium heat nyo ito iset para di masunog o maging halaya.

then ilipat sa isang hulmahan o lalagyan na gusto ninyong shape


pitpitin o i flat nyo ,at ayusen para pumantay sa loob ng lalagyan..

kapag okay na,i cool down ng kaunte at palamigin nyo sa fridge atlis 10 to 20 minutes..the more time is okay..

kapag malamig na sya..baligtarin at ilagay sa isang plato o sa dahon ng saging para mas bongga.

budbudan ng latik or roasted coconut ,then slice the maja ube


ayan may masarap na kayong maja ube

Creamy Jelly Type Maja Ube

Enjoy Eating..
Hope you like the maja ube and hope that you enjoy the recipe..try nyo at promise masarap po ito..just eat with moderation ,remember kakanin is not healthy diet..babusshhh.............