Search Your Favorite Food here

Saturday, January 7, 2012

Healthy Green Beans Menudo

very yummy very easy and very healthy

the best Healthy MENUDO 

 Paborito ito ng mga Pilipino ..
    Ang menudo ay paboritong pagkain ng Pinoy lalo na sa mga handaan o fiesta at kahit anong okasyon hindi mawawala si MENUDO. Isa syang sikat na ulam ng mga Pilipino...dahil sa kanyang taglay na sarap at bango lahat hindi umaayaw na itoy kainin..makikita ito sa mga karinderya restaurant at gingawa ren itong pulutan ng mga manginginom.
    At syempre kapag sinabing Menudo is pork with patatas and carrots ang nasa isip ninyo.Subalit kung ito ay pag mamasdan ,siguradong ito ay nakakatabang putahe,sa dahilang  punong puno ito ng mantika , na halos lumulutang na at dahil ito ay nakakaganang kainin  ,at lalo kang mapaparami ng kain at sasabayan nyo pa ng napakaraming kanin,ay naku panigurado sira ang figure ninyo...
  So paano ba natin na magagawang masustansya ang Menudo at mabawasan ang mga mamantika nito..?

And Why Vegetable Menudo?
  Opo ,sa katunayan mahilig den ako sa menudo ngunit hindi sa pork na nakalagay doon kunde yung timpla nya..gustuhin ko mang kumain hindi ako makakain kahit saan mang handaan ,kaya naisipan kong gumawa ng sarili kong timpla ng menudo...in a healthy way at alisin ang mga mamantikang lumulutang dito..
  Nang ito ay aking gawen kahit ang aking mga anak ay nagustuhan....at masarap den namang talaga..at sigurado kong inyo reng magugustuhan.


Bitsuelas Menudo ang tawag ko sa kanya..


Ngayon simulan na naten gumawa ng ating masustansyang MENUDO
  Mga sangkap..
one cup sliced/..Bitsuelas or green beans
2 or 3 tbsp /chopped onion
2 cloves chopped garlic
2 regular size /sliced tomatoes
cut into small cubes.. about 2 regular size potato
one carrot cut into cubes syempre
1 red bell pepper
2 or 3 tbsp of  of raisins ..depende sa gusto nyo.
soy sauce
black pepper
2 tbsp of HONEY
3 tbsp of tomato paste
200 g. of chicken giniling.. {chicken ,breast is much better}..request ng bunso ko}
Olive oil
half cup water..
healthy  ingredients

chopped and cut na..i forgot the chicken giniling here.


HOWTO....
   of course iinitin naten yung kawali...then isunod ang garlic..medyo gisa nyo lang muna  and then add your chopped onion,pag brown na sya add your tomato igisa lang sandali at ilagay nyo na yung
 carrots matigas kase ito kaya unahin na naten,and then add the chicken...just blended them together,haluin lang sya sandali at  isunod nyo yung green beans....ang patatas.at red pepper......timplahan na naten ng toyo at paminta....gisa nyo syang mabuti,haluin para pantay ang lasa..
   ngayung buhusan naten ng konteng tubig mga kalahating baso at takpan nyo muna sa mahinang apoy ng ilang minuto......
   pag nakita nyo na syang kumulo ng konte at medyo malambot na ,ingatan na wag madudurog ang gulay,kaya lage nyo syang i chechek..
  ibuhos nyo na yung tomato paste ninyo.honey at ng raisin.....hindi nyo na ito iiwan hanggang ito ay sa maluto,hahaluin nyo lang sya ng hahaluin....
  at titikman nyo kung malambot na at kung tama na ang lasa...at iyon tapos na yung healthy mEnudo naten

pwede nyo ng hanguin at ilipat sa plato..at ready to serve.......
  enjoy eating na  ..mas masarap po ito at masustansya kung may sabaw po kayong kasamang kakainin katulad ng ginger soup.at prutas tulad ng saging o mangang hinog..wag na kayong magdagdag  ng piniritong putahe ...sapat na ang menudo..
.at konte lamang na rice...para hindi tayo agad bumigat at masira ang kalusugan.
tasting .time..
Ang menu na ito ay request ng aking baby...yung sarili ko pong MENUDO ay hindi manok kunde giniling pong isda..next time yun ang aking lulutuin .for kids dinner kase itong menu ko today..
HOPE YOU LIKE IT AND TRY THIS HEALTHY COOKING idea OF MINE...

watch video ....

No comments:

Post a Comment