Search Your Favorite Food here

Showing posts with label Fish Cooking. Show all posts
Showing posts with label Fish Cooking. Show all posts

Monday, October 28, 2013

Crispy Adobong Bangus Sisig

Pulutan?,Gusto ko ng pulutan".."Penge ng beer" ha ha ha".
Gusto ko ng bangus sisig,Gusto nyo ba rin ng Bangus sisig? ,Tapos malutong pa yung pag kakaluto ..wow! Tulo laway ..




VIDEO COOKING......................................................................................






.....Mga Sangkap at Pagluluto ng Bangus Sisig......

marinated adobong bangus..ready for cooking with laurel..

We need Fresh Bangus .marinated adobo ang timpla
1 tbsp Suka
1 tbsp Toyo
paminta to taste
sili or siling pulbos
mayonnaise
2 tbsp butter
1 medium size onion/Chopped
2 eggs
suka at toyo 

mayonnaise,chopped onion,butter .chili pepper ,paminta..at itlog 


 Iluto ang bangus adobo hanggang masipsip ng laman ng bangus ang adobo na tinimpla.Palamigin at himayin ,alisin ang mga tinik..iset aside

Ihanda ang lulutuang kawali ,painitan at lagyan ng 1 sliced of butter..imelt ng kaunti at ihulog ang bangus flakes.prituhin hanggang maging crispy.

Bangus Adobo ..Flakes

melt the butter

Lutuin ang bangus flakes sa butter..


 Hayaang lumutong ang bangus flakes


You can add some chopped onion here and put a little mayonnaise and crack one egg on top..


 Then haluin ito at patayin ang apoy,medyo matrabaho ito,para mas masarap,
hanguin ulit ito at ilipat sa isang bowl.

Timplahan ang bangus flakes ng chopped onion.
Mag handa ng suka toyo at paminta..


Haluin ang mga sangkap..At igisa ulit sa butter ..Painitan lang sandali at hanguin den agad.


Kung may dahon ng saging ,ihain sa dahon or sizzling plate,at lagyan ng mga sahog sa ibabaw..at ready to serve na..


Enjoy your Crispy Bangus Sisig.May ulam ka na ,may pulutan ka pa,Asan na ang beer!!


Serve with Kalamansi and garnish with parsley or cilantro ,or siling labuyo for spicy flavor..


Hope you like the recipe...ENJOY!..........

Saturday, October 26, 2013

Ginataang Tulingan na may Labong..

Sa mga Mahihilig sa Lutuing Gata...
Ang isdang Tulingan ay maraming pwedeng luto like Paprito ,pa adobo.papaksiw at kung ano ano pa..
Pero mas kilala ito sa lutong pagata,Ginataang Tulingan
Sa Japan ito ay popular na "Smoked Tulingan" na sashimi.( Katsuo in Japanese ang Tulingan)

Philippines- Location were i made this recipe
                  so all the ingredients are from Philippines






 Video Cooking...


Mga Sangkap..At sa Pagluluto ng Ginataang Tulingan na may Labong..

Kapirasong talbos na hiniwang Tanlad or Lemon grass
You can use ordinary ginger or turmeric(Luyang dilaw)
4 pieces medium size Fresh Tulingan Fish
1/2 kilo of labong ..if wala kahit wala..or use another veggies..like langka,malunggay,mustasa and so on.
3 cups coconut milk..i don't add water , mas masarap purong gata..if wala or kulangin ,syempre you can add water...ingredients are according to your budget
2 medium size kamatis..sliced
1 medium size onion,sliced
1/2 clove garlic ,chopped or sliced
cooking oil
       You can add vinegar and bagoong to taste...
salt to taste
paminta
chili powder
Siling labuyo


 Then mag gigisa tayo if you have all the ingredients...





Sa isang mainit na kawali...buhusan ng sapat na dami ng cooking oil,

Mag gisa ng according sa style nyo ay okay lang...
lemon grass,luya,bawang,onion. kamatis...
then haluin ....at isunod ang labong...takpan para medyo mainitan at masteam ng kaunti..
 Ihulog ang coconut milk...ang dami according sa isda na lulutuin...mas lubog marami ang gata..mas magastos lol....
syempre mas yummy.


 Palambuting mabuti ang labong ,then saka ipatong ang isda..
At hayaang maluto ang isda at labong na lubog sa gata...
Hinaan ang apoy para di manikit.




Takpan at hayaang kumulo..
dapat lage imonitor ang niluluto
posible itong masunog.

 Checkin ang ilalim ng isda


And then..in a minutes..luto na ang putahe..
KAIN NA TAYO..Sarap magkamay kase matinik ang isda...
Sarap ng Ginataang Tulingan...

 Enjoy eating ...Don't forget to watch your calorie.......

Tuesday, October 22, 2013

Paksiw Daing na Bangus na may Miso

Sarap diba!
    Isa ito sa nagsisira ng abs ko,dahil malakas ito sa kanin..So excuse muna dyeta..
Yes,gagawa tayo ng pang pagana ng kain ng kanin ang Pinaksiw na Bangus ,say nyo' Daing na bangus
  of course,boneless sya! "bongga diba".


Ang pagluluto ...
  Panoorin ang video o basahin paano ang pag gawa ng paksiw daing na bangus sa miso..


Mga sangkap ..at ang pagluluto..please continue to scroll down..

fresh Bangus..na dinaing at inalisan ng tinik para di matinik..

vinegar,soy sauce,black pepper powder and corn.salt,sugar,mustard green.miso paste,chili or bell pepper ,onion.ginger,garlic.


tinimplang bangus sa kawali
 Sa isang kawali na lulutuan,ilatag ang daing na bangus.timplahan natin ng 1/2 cup na suka,lessen kung ayaw ng maasim..ihulog ang maramig pinitpit na bawang,hiniwa o pinitpit na luya,pwedeng maglagay ng kaunting sibuyas or wala.Buhusan ng 1 cup na tubig at 1/4 cup na toyo..pamintang buo at durog..

Isama ang mustasa na gulay.pwede ren ang kangkong ,or gulay na bagay sa miso.habang niluluto ang bangus ,iwasan itong baligtarin dahil madudurog,so hayaan lang maluto ng nakatakip at kumulo sa sariling sabaw.

 Isalang sa kalan ang tinimplang bangus ,para maabsorb ang miso sa sabaw ,lagyan ng miso paste kahit 1/4 cup or depende sa tubig na dami ng nilagay nyo at alat na gusto..
 Takpan at pakuluan ,isama ang sili kung gusto ng maanghang at mabango ang amoy ng paksiw..
 Kapag sigurado ng luto,lagyan ng 1 tbsp na sugar,mas masarap ang manamis namis na paksiw..

at lagyan ng oil,optional ito,lagyan ng kaunting olive oil.mga 1 tbsp..then takpan pakuluan ayusin ang lasa...at luto na .

then ready to serve...malakas ito sa kanin..watch your calorie he he he..

Kain na....

Sunday, August 11, 2013

Adobong Paksiw na TILAPIA

Sarap diba! Lalo na sa tanghalian ,Kapag gutom ka at ganito ang ulam mo,patay tayo dyan!,.."sira na naman ang abs ko"...basta hinay lang tayo ,i mean yung workout wag kakalimutan at yung rice eat with moderation he he he..

Lasang Lechong paksiw na Tilapia

Sarap ng Adobong Paksiw na Tilapia
Simpleng Sangkap..

Fresh Tilapia..Kahit 1 medium size..cleaned and cut na.
soy sauce,sesame oil
Oyster sauce
Vinegar
Salted Black Beans
dahon ng Laurel
Black pepper,powdered and corn type
sugar or paldo mas better
Salt or Patis
Bulaklak ng saging
Garlic

Video of the Recipe..

Pag luluto..

Hiwain ang bawang ng maliliit(chopped)then adobohin ang sariwang tilapya/marinate style

mga sangkap

after an hours..iprito natin ang tilapia kasama ng dahon ng laurel

lagyan ng kaunting sesame oil habang piniprito

siguraduhing pritong prito ang tilapya..at isunod ang sibuyas na ginayat ,isunod den ang salted beans

dagdagan ng kaunti pang laurel at bulaklak ng saging..timplahan ng suka at toyo

timplahan ng oyster sauce at asukal.

magdagdag ng tubig kung gusto ng madami dami ang sauce..at iadjust den ang timpla

and then takpan ,sa mahinang apoy ,hayaang maluto...

Huwag kalimutang lagyan ng black pepper corn kahit kaunti


kapag luto na ,ready to serve na

Ayan na yung masarap na adobong paksiw na tilapia

Sana nagustuhan nyo ang putaheng ito

Kain na po..

sabaw pa lang lechong paksiw na...kalimutan muna ang baboy ..

enjoy your meal...