Search Your Favorite Food here

Saturday, June 30, 2012

Ginataang Ampalaya

Ampalaya ,bittergourd o bitter melon sa ingles..it is a tropical fruit lalo ,hindi lang sa bansa naten makikita ito.sa Vietnam,sa Okinawa ,Japan..basta sa lugar na may summer ang klima..
..Ang ampalaya ang isa sa pinaka mapait na gulay o prutas ...mapait subalit masustansya...gamot sa mga kulang sa dugo..diabetis ..at kung ano pang naitutulong ng ampalaya sa kalusugan ng tao..tinatawag den itong  isang Herbal Medicine
  Bukod sa bunga ,pati ang dahon ay naigugulay sahog sa mga putahe..tulad ng ginisang monggo..,

Ngayon dahil nakakamis ang lutong ampalaya....sinubukan ko namang igata sya ng walang kasamang gulay...
bagay na bay ang pait sa malacreamy na timpla ng coconut oil..



yummy and healthy




Mga sangkap ....ito ay para sa 2 katao ....
1/2 of ampalaya..cut in small pieces bite size
ilang pirasong hipon...3 o apat pwede na
i small size of red onion.
1 tamang laki lang ng kamatis
3 pirasong bawang
kapirasong luya..
half cup of coconut milk
paminta at cayenne pepper
3/4 cup of clean water

no salt no instant flavor enhancer.......

How to cook..........
Syempre hihiwain nyo ang ampalaya ng hiwang panggisa na ginagawa naten sa pagluluto ng Pinakbet..At kapag nagayat nyo na ang mga sangkap tulad ng sibuyas luya kamates at bawang..

Magpapainit ng kawali sa konteng olive oil..igigisa nyo ang bawang ,kasunod ang luya...at haluin ng ilang beses isasama nyo na ang sibuyas...kasunod ng kamates..lutuin ng ilang sandali ang mga ito...pag sa tantya na okay na...isasahog nyo na ang hiniwang Ampalaya...igisang mabuti ito..takman ng ilang minuto,at pwde nyo na reng isama ang hipon habang pinapalambot ang gulay...then takpan at mag istambay lang..

Ngayon kapag sinilip na ang niluluto at medyo nasa half cook na yung ulay,titimplahan na ng coconut milk...at haluing syang mabuti...pwedeng lagyang tubig ,nilagay ko rito siguro nasa 1/4 cup lang...dahil kakaunti lang naman ang ampalaya kong ginamit..1/2 lang ng isang buong ampalaya..para sa isa o 2 kataong kakain..tantyahin nyo na lang kung gaano kadami ang niluluto nyo..at timplahan ng paminta at cayenne pepper..pwede kayong mag asin ,subalit iwasan nateng gumamit ng mga instant mix o yung food flavor enhancer..MSG o yung vetsin ay hindi po maganda sa kalusugan...

At pwede nyo na syang iserve kung luto na........enjoy your meal ~.^

For more details para sa pagluluto..watch full episode sa video below..


...





No comments:

Post a Comment