Search Your Favorite Food here

Sunday, April 21, 2013

"SINIGANG" na Hipon sa Miso with fresh Sampalok

Ang sinigang ay isang uri ng pagkaing Filipino...Isa itong maasim na pagkain na may sabaw ,hinaluan ng maraming gulay at ibat ibang klaseng sahog na laman tulad ng karne ng baka o buto buto ng hayop , ,baboy,hipon o isda..Subalit sa katulad kong di kumakain ng laman ng hayop..Ang tanging maihahalo ko sa lulutuin ko ay ang Hipon.. Seafood na sinigang...Syempre,sagana sa gulay at Hindi ako gumagamit ng mga mix flavor o yung mga timplang may MSG..hindi ren kase maganda ito sa ating kalusugan..so kahit higupin mo ang sinigang siguradong masustansya at ligtas sa mga food additive..


Sinigang na Hipon sa Miso with Fresh Samapalok/Tamarind soup

Mga Sangkap na ginamit ko..sa mga 3 o 4 na katao na resipi ito..Ang mga sangkap ay galing sa Pilipinas ...

Ingredients for Sinigang na hipon ...

1/2 medium size ng Hipon
1 bigkis na kangkong or water spinach..
3 piraso ng Gabi..
1 small size ng Labanos
1 o 2 sili pang paksiw..
4 o 5 kamatis..
4 o 5 sibuyas..
10 busal ng Garlic
kapirasong Ginger/luya
2 cup na dinurog na katas ng sariwang Sampalok/lemon para sa mga walang sampalok..
5 to 10 piraso ng ok
1 bigkis ng sitaw
1 pirasong talong
sea salt or patis at black pepper...acccording to your taste ang timpla ..
2 tbsp of olive oil
at cayenne pepper o siling powder,optional na ito..
3 to 4 cups tubig depende kung mahilig kayo ng masabaw ..
1 tbsp of salted black beans /or tausi beans..or tahure kung tamad gumawa ng sariling tahure..

Howto ..
   Ang style ng paguluto ko ay medyo kakaiba ,subalit ang lasa ay di nagbabago mas lalo lang syang luminamnam .at kaysarap higupin kahit walang rice...

ilaga sa 2 baso ng tubig at pisain ng tinidor..
Itabi muna ang pinisang sampalok.


Ang Pagluluto...
   Mag init ng kawali ,lagyan ng 2 tbsp. na olive oil..Igisa nyo ng kaunti ang luya then isunod ang bawang at ang sibuyas ...at ihuli ang pa ang kamatis...

Kapag naigisa nyo na ang mga ito...Haluin at Ihulog ang Fresh na hipon ,iluto naten dito kasama ng mga ginisang spices..lagyan ng paminta at cayenne pepper..At lagyan ng 2 tbsp na Miso ..
Sundan ng pinisang katas ng sampalok mga 1 o 2 baso ang dami...






Timplahan ng kaunting paminta at siling pulbos..ginamit ko ay cayenne pepper...according sa inyong panlasa..

Takpan at pakuluan ng kaunting minuto bago ilipat sa kasirola kasama ng mga gulay..

  Habang ginagawa nyo ito maghanda ng kasirola na may 3 baso na tubig...ilaga kasama an g gabi

...at isunod isa isa ang mga gulay ..labanos,okra ,sitaw ..or ayon sa inyong style ng pag luluto....yung mahilig sa pa half cook hinaan nyo ang apoy at bantayan ng di lumabsa ang mga gulay..ihuli ang kangkong at sili..

Pakuluan ng ilang minuto...at ihulog nyo na ang ginisa nyong hipon na may sabaw ng sampalok...at idagdag nyo sa huli ang kangkong at sili..


Pakuluan at tikman ang lasa at ayusen kung ano ang kulang ayon sa inyong panlasa..
At kung okay na...hanguin at pwede ng ihain...

Pakuluan ng ilang minuto at ready to serve na ang masarap na sinigang na hipon..


 Ayan luto na ang sinigang na hipon..mas maasim at mainit mas masarap..,ganyan po ako magsigang lunod sa kamates ,sibuyas at bawang...at sariwang sampalok...para na ren sa ikabubuti ng inyong kalusugan...




PARA SA GUSTO NG VIDEO NG PAGLULUTO...just click the image down below..and then enjoy watching the cooking of sinigang na hipon ..

bye bye..happy eating...and don't forget to eat rice with moderation para di lumaki ang tyan at walang bilbil....

No comments:

Post a Comment