Search Your Favorite Food here

Tuesday, May 7, 2013

How to make BIBINGKA Galapong..

Bibingka is made of rice flour and coconut milk,may topings na salted egg ,cheese and margarine..medyo mabigat sa tyan na kakanin ito.. ..anyway..
Isa rin itong gusto kong kakanin but di naman paborito..at alam naten ,ito ay masarap kainin ng mainit at may konteng timplang matamis ..similar to rice pudding at sinapinan ng tradional banana leaves..Sa ngayon marami na ang nagluluto ng Bibingka ng pa oven at mahirap ng sundin ang lumang kaugalian na may uling sa ibabaw ng nilulutong bibingka..

yummy bibingka galapong

Subalit minsan nakakamis ang magluto o magtry ng lutong tunay na sinimulan ng paggawa ng Bibingka..na halos popular sa araw ng pasko at bentang benta sa simbang gabi..

Di naman pasko subalit type ko lang tumikim ng Bibingka at kami ang gagawa dito sa Pilipinas..exciting lang kung ano yung magiging resulta ng hindi ka gagamit ng oven...

Sangkap para sa Bibingka

Mga Sangkap ng Bibingkang Galapong..
1 cup rice flour..not malagkit rice
1/2 tsp salt
2 tsp baking powder
3 tbsp butter..aww..galit ako jan hahaha..
1 cup washed sugar ..grrr..gusto ko itry ang honey but yung kasama ko sa bahay ignorante sa honey eh hahahah..
1 cup coconut milk
3 tbsp of skim milk or fresh milk..optional lang ito..
1 to 2 salted eggs
3 tbsp grated cheese
some sugar for sprinkle on top of the bibingka
banana leaves..shaped and cut syempre..
At higit sa lahat lutuan ng bibingka..pati na ang charcoal..

Lutuan ng Bibingka 

Trimming banana leaves..para sapin sa lulutuing bibingka

pinainitang uling..How to cook Bibingka in old traditonal Filipino style


How-To..

First, in a mixing bowl..put 1 cup of coconut milk

Follow with 1 cup of rice flour..

Add 2 to 3 tbsp of skim milk..tunawin sa konteng tubig..then iset aside muna..

Next Step..3 tbsp of butter ..in a separate bowl..

add 1/2 cup of sugar depende sa tamis na gusto nyo..

haluin ang 2 sangkap..
magbate ng 3 itlog sa isang bukod na tasa..

add ihalo ang 3 binating itlog...at haluin lang syang mabuti..

At paghaluin ang 2 mixture na ginawa...ang rice flour mixture at egg sugar  mixture

haluin lang ng pumantay ang lapot nya...
Ihanda ang lutuan ng bibingka ..at sapinan ng dahon ng saging tulad ng nakikita sa larawan

At sapinan ulit ng isa pang dahon ng saging..

Ibuhos ang sapat na sangkap ng ginawang bibingka mix..

At kung gusto ng mas masarap na timpla ..lagyan ng hiniwang itlog na maalat sa ibabaw bago ito iluto..

isalang sa lutuan ng bibingka na pinainitan ng uling..at takpan ng uling na lutuan ..lutuin ng ilang minuto..icheck paminsan minsan..

kapag alam nyong medyo nabuo na ang liquid na bibingka nyo..pahiran ito ng mantikilya..

Takpan ng bukod na dahon ng saging ang pinahirang bibingka at takpan ulit ng uling..lutuin ng kaunti pang minuto..

hayaang maluto...icheck lage para di masunog...

Almost luto na po ito..bubudburan ng asukal..at takpan ulit ng dahon ng saging tunawin lang ang asukal..at  balikan ulit..

At kapag natunaw na ang asukal ..budburan ng kesong inad ad.. takpan ulit ng dahon  ng saging at ..isang salang ulit sa lutuan..tapos na po ang pagluluto ng bibingka

Para makasiguradong luto ..tusukin ng toothpick kung may hilaw pa sa loob..kung okay na..ready to serve na..and sprinklle it with fresh grated coconut..

Ayan ..Bibingka is Luto na...Kainan na...
Kung gusto nyong manood ng paggawa ng video nito..buksan nyo lang ang image sa ibaba ..at mapapanood nyo ang paggawa ng Bibingka..



No comments:

Post a Comment