Search Your Favorite Food here

Tuesday, October 22, 2013

Paksiw Daing na Bangus na may Miso

Sarap diba!
    Isa ito sa nagsisira ng abs ko,dahil malakas ito sa kanin..So excuse muna dyeta..
Yes,gagawa tayo ng pang pagana ng kain ng kanin ang Pinaksiw na Bangus ,say nyo' Daing na bangus
  of course,boneless sya! "bongga diba".


Ang pagluluto ...
  Panoorin ang video o basahin paano ang pag gawa ng paksiw daing na bangus sa miso..


Mga sangkap ..at ang pagluluto..please continue to scroll down..

fresh Bangus..na dinaing at inalisan ng tinik para di matinik..

vinegar,soy sauce,black pepper powder and corn.salt,sugar,mustard green.miso paste,chili or bell pepper ,onion.ginger,garlic.


tinimplang bangus sa kawali
 Sa isang kawali na lulutuan,ilatag ang daing na bangus.timplahan natin ng 1/2 cup na suka,lessen kung ayaw ng maasim..ihulog ang maramig pinitpit na bawang,hiniwa o pinitpit na luya,pwedeng maglagay ng kaunting sibuyas or wala.Buhusan ng 1 cup na tubig at 1/4 cup na toyo..pamintang buo at durog..

Isama ang mustasa na gulay.pwede ren ang kangkong ,or gulay na bagay sa miso.habang niluluto ang bangus ,iwasan itong baligtarin dahil madudurog,so hayaan lang maluto ng nakatakip at kumulo sa sariling sabaw.

 Isalang sa kalan ang tinimplang bangus ,para maabsorb ang miso sa sabaw ,lagyan ng miso paste kahit 1/4 cup or depende sa tubig na dami ng nilagay nyo at alat na gusto..
 Takpan at pakuluan ,isama ang sili kung gusto ng maanghang at mabango ang amoy ng paksiw..
 Kapag sigurado ng luto,lagyan ng 1 tbsp na sugar,mas masarap ang manamis namis na paksiw..

at lagyan ng oil,optional ito,lagyan ng kaunting olive oil.mga 1 tbsp..then takpan pakuluan ayusin ang lasa...at luto na .

then ready to serve...malakas ito sa kanin..watch your calorie he he he..

Kain na....

No comments:

Post a Comment