Search Your Favorite Food here

Sunday, July 7, 2013

Natural Red Color Gulaman..DRAGON FRUITS GELATIN



Ang dragon fruit ay isang prutas na galing sa puno ng cactus..bumubulaklak sya at sya ang nagiging bunga kapatit ng pagkalanta ng bulaklak,Ang dragon fruit ay may ibat ibang uri ,may ma ube ang loob,mapink,maputi at may dilaw ang balat na puti naman ang loob..bukod dito hindi ko na alam kung ano pang dragon fruits ang mayroon..

May maliliit siyang buto na nakadikit na sa mga laman ng dragon fruits,kung titingnan mo maliliit na black  sesame seed..na parang buto ng strawberry naman.. laman ang maliliit Kung tatanungin ang lasa,.matabang ang kanyang lasa,at wala namang kakaibang amoy o lasa maliban sa maganda ang kulay nito.Kaya masarap itong kainin ng may yogurt o ihalo sa mga smoothies,shake,ice cream at ibat ibang desserts.

At naniniwala akong isa itong super food, at maraming health benefits..matatagpuan ito sa mga palengke at mga mga mall sa Pilipinas,medyo hindi mura kumpara sa ibang prutas,Sa Japan mahal ang per piraso nito..

Kung gustong manood ng paggawa nito sa video watch the image below at makikita nyo kung paano ko ito ginawa...and for more details just scroll down and you can see the exact recipe..enjoy!!



Lets make Red Gulaman ..from dragon fruits..

Sangkap..
2 dragon fruits ,may 1 kilo na po iyang 2 na binili ko
1 pack of unflavored gelatin
moulds
mint/optional
4 cups water or adjust as you read the back instruction of your unflavored gelatin..

DIRECTION...

linisin at hiwain ayun sa inyong gusto hiwa

velvet red dragon fruits sliced 

alisin ang lahat ng laman at ilagay sa isang lalagyan gamit ang kutsara

maaring gamitin ang balat ng dragon fruits...kung aayusin ang paguukit ng mga lamat nito

laman ng dragon fruit..mapula at mamantsa..at mabuto na maliliit


durugin sa isang bowl or gumamit ng blender 

para mapino ang mga laman ng prutas..gaweng liquid ito para madaling ihalo sa gelatin,at iset aside muna

sa isang lutuan maginit ng 3 to 4 cups na tubig..at ibuhos ang unflavored gelatin powder..haluin until ito ay matunaw.

at ihulog o ihalo ang dragon fruit na juice na ginawa..

kapag nahalo na itong mabuti ibuhos sa inyong moulds o lalagyan na gusto nyong hulamahan ng gulaman nyo.

nilagyan ko na ren yung balat ng dragon fruit....trip lang cute kase..

after an hour,matigas na yung gulaman...ialis sa hulmahan o bowl at ilatag sa isang plato..

lagyan ng arte or dekorasyon para magandang tingnan

ayan !! may red Gulaman na kayo...no need artificial color..matabang ang lasa nya,bagay ihalo sa mga pang desserts..

sliced red gulaman...yummy!!

enjoy your red dragong fruit gulaman..

Salamat poh....next time po ulit...wait for my dragon fruits sorbet at shakes ,ice cream and ice candy recipes...
SAYOUNARA!!!


No comments:

Post a Comment