Balot Penoy..penoy balot bili na kayo.....yan ang karaniwang maririnig nyo sa pilipinas...Pagkaing pinoy ....Ang idea kong ito ay para sa tamad maglaga at syempre walang penoy sa Japan ha..!!
Sino mahilig sa itlog na nilaga? Ako isa sa matakaw sa itlog,kaso ingat lng po sa pagkain ng sobra,yung pula ng itlog ay mataas ang cholesterol....siguro more than 2 egss a day ay sapat na ,kung gusto ninyong kainin pati yung yolk..
Sa mga bodybuilder halos yung puti lang ang kinukuha nila dahil mataas daw sa protina..raw egg pa nga eh ..
So ang pagkain ng Penoy ay di kayo dapat sosobra , .ang penoy ay masarap at malinamnam kesa sa nilaga yung pula ng penoy kase creamy ...ang totoong penoy ay may dalawang klase ...yung masabaw at yung matigas yung puti..kinakain ito na may budbod na konteng asen..
Kaya ko naman po nasabi na Homade penoy ito...kase halos haweg po ang lasa niya ..
Iyan po yung nadiskubre ko ng minsang tinamad ako maglaga ng itlog almost ten years ago na yon..nang ako ay magsasaing na sa rice cooker naisipan ko ilagay ang ilang hilaw na itlog doon kasama ng ng hilaw na bigas...
Nang sya po ay maluto ,yung unang nakain ko ay ay lasang nilagang itlog lang sya...yung natirang itlog sa rice cooker na di ko nakain at nahayaan ko ng ilang araw na nababad sa loob ng mainit na rice cooker kasama ng kanin..syempre po ang kanin kahit naluto na di pinapatay ang switch nito..kaya lageng mainit ang kanin,so siguro yung itlog na nababad doon nag iba ang lasa nya...nagutla ako ng ikatlong araw o ilang araw man ...ang lasa ng itlog na to sa rice cooker ay lasang penoy talaga....nakakatawa pero totoo,subukan nyo ..
..ang pag gawa ..click the video below