Search Your Favorite Food here

Saturday, May 11, 2013

Ginisang Sardinas sa Ampalaya

 Sino ang ayaw ng ampalaya dahil sa pait na taglay nito,bihira ang bata na kumakain nito,kahit na nga matatanda di basta makakain ng lutong ampalaya kung hindi ito dadayain sa timpla.
 Ang iba kundi ibabad sa tubig na may asin ay nilalamas ng asin o pinipiga pa sa tubig para lang maalis ang pait..at manipis pa na hiwa..

Para sa akin nasaan pa po ang silbi ng sustansya ng ampalaya kung ito ay aalisin ang tunay na katas..ang beer nga mapait bakit naiinom ng lasenggo ..joke lang...Hindi na naten kasalanan kung may taong di sanay sa mapapait na gulay..
  Ang pagluluto ko sa ampalaya ay hindi ko inaalis ang ang tunay nitong lasa..dahil ayaw kong maalis ang tunay nitong sustansya..
Narito ang paggawa ko ng ginisang ampalaya na may sardinas in canned..


Ampalaya sa sardinas..half cooked veggies without squeezing of its juices just to get benefits on the enzymes of the ampalaya..the bitter is the better....
\
Mga Sangkap ...
1 large size Ampalaya( Bitter Cucumber )or depende sa dami ng lulutuin nyo..
1 canned Sardines in tomato sauce 425 g ..Philippines product po ito.
1 to 2 medium size of onion..
half clove of garlic
3 medium size of tomatoes
Black pepper
1/2 tbsp of soy sauce..
a pinch of sili powder or cayenne pepper..good for allergy..
5 small size kalamansi or half of lemon..
olive oil...or any cooking oil you have there..
buksan ang delatang sardinas ..at ihanda ang mga isasahog..

hiwain at alisin ang nasa gitna ng ampalaya..

ganito ang dapat na mangyare sa ampalaya

gayating ng pino o nipis ayun sa gusto nyo..hindi ko ito ppigain o huhugasan sa asin..
 PAGLULUTO..................
Procedure is easy..
Katulad ng lahat ng ginagawa ng Filipino sa paggigisa ,may iba iba lang arte o teknik minsan kaya naiiba pa ren ang lasa kahit iisa ang ingredients..nasa timing at focus ang pagluluto kaya ang lasa ng luto ng tao ay nagiging iba..
Mag lagay ng oil sa frying fan..at igisa ang mga sahog..mula sa bawang,sibuyas ,at kamatis..

kapag nakapaggisa na..ihulog ang binuksan na sardinas na delata..

timplahan ng sin toyo o paminta ayun sa gusto nyo...

1/2 cup of water..at palambutin ng konte ang gulay..if possible half cook po..

ayan takpan at konteng kulo lang luto na sya...

at wag kalimutan lagyan o pigaan ng kalamansi mga 5 piraso..alisin nyo ang buto..kase nailagay ko ng kasama ehh..

ayan cooked na..at ready to serve na..

ready to eat na...yummy healthy pa...

More related Video ..watch the image below para mapanood nyo ang luto ko sa video...



ENJOY po...see you ulit..