1 kilo of Fresh Mustard Green or Gulay na mustasa ..
2 cups rice cooked
5 to 6 cups of water or more
salt
Any container or bottle jar ..para sa lalagyan ng buburuhan..
1 kilo fresh mustasa
lamasin ang lutong kanin...pwede ren ang bigas ..matagal lang po itong iluto..
How to make burong mustasa ..
Ibilad ang 1 kilong sariwang mustasa..linis at ilatag sa bilao ..patuyuin sa araw ..maghapon lang okay na..
pakuluan ang lutong bigas sa tubig 5 to 6 cups ayon sa dami ng inyong mustasa..
salain ang kanin na nilaga..kunin lang natin ang rice milk o yung Am na tinatawag..
Maghanda ng isang container plastic o garapon na kasya ang inyong ibuburo..wag gumamit ng lata ,kinakalawang po ito..
linisin ang pinatuyong mustasa alisoin ang sira na dahon..wag nyo itong huhugasan kapag pinatuyo na.. at isalansan ng maayos sa loob ng lalagyan..
budbudan ng asin mga isang kutsara...pwedeng maglagay ng bawang depende sa may gusto..
ibuhos ang rice milk..ito po ay dapat pinalamig na at hindi mainit na sabaw..punuin ang lalagyan ..at lunurin ang mustasa..then takpan at itago sa lugar na tamang temperatura na init ..tulad sa sulok ng inyong kusina..wag ilalagay sa ref....
ganyan po ang nabuhos na rice milk at mustasa...
mga 5 days ay makakain nyo na ang buro..kapag lumampas pa ito sa limang araw aasim ito at magiging para ng suka..
eto na po iyong gawang burong mustasa
pwede ng kainin o ihalo sa mga lutuing ulam..pang paasim o sahog sa anumang lutuin..at masarap na salad den po ito..
ilagay sa isang garapon kung gusto itong itago sa ref...ayan ready to eat na..HOMEMADE BURONG MUSTASA..
homemade burong mustasa ..
Kung gusto ninyong manood ng paggawa nito na may video..panoorin ninyo ang video sa ibaba at makikita ninyo kung paano ito ginawa..enjoy po..
Salamat po...
Abangan ang iba ko pang mga resipi..May pang Healthy diet at para sa mga food tripper..
ask ko lang po kaylanagn po ba ialagay s ref habang hinihintay ang 5 days?
ReplyDelete