Search Your Favorite Food here

Saturday, November 2, 2013

Halayang Kalabasa ( Pumpkin Jam)

Kung may Halayang Ube ,kahit Kalabasa Syempre puwede.
Sa nag iingat kumain ng matatamis,Bawasan o gumamit ng healthy sweetener.




VIDEO COOKING OF HALAYANG KALABASA


Mga Sangkap at Paghahanda ng Halayang Kalabasa...

Fresh Squash

Maghanda ng Kalabasa ,Balatan at hiwain para madaling lumambot kapag nilaga na,
Ang dami ng kailangang mashed squash ay mga ng 4 cups..


Ilalaga natin ang hiniwang kalabasa sa 1 cup na coconut milk..adjust if needed.Iwasang durog na durog ang kalabasa baka maging creamy .then iset aside muna para i cool down.

Sa isang mixing bowl,
Tunawin ang 2 cups na condensed milk sa 1 cup na coconut milk.

You can use sugar or tubig,pero you have to adjust all the ingredients,kung sanay na kayo madali lang ang pag papalit ng sangkap.or just follow my recipe.



Durugin ang nilagang kalabasa..at ihalo sa gata na may condensed milk


 Ang 4 cups na durog na kalabasa ay haluing mabuti bago ito isalang sa kalan.

TIPS.....Ang kawali if possible,use not sticky one.At ang kawali ay may pinagmantikaan ng ginawang LATIK..so ang kawali ay may bahid dapat ng ng coconut oil..

Kung walang coconut oil,you can use a little butter or margarine..


 Lutuin sa mahinang apoy at Pagtyagaang haluin ng mga 40 minutes /adjust time as it needed..


 Ang resulta ng luto nito ay madaling malalaman ,kapag hindi na naninikit sa kawali..
Ang Condensed Milk ang nagbibigay silbi para kumunat ang halaya.


 Haluin lang haluin....Tik Tak Tik Tak..




Tikman nyo ren kung okay na ang tamis,hanggat hinahalo pwede nyo pang iadjust ang tamis...asukal or condensed milk..
Iwasan nyo lang ito ay masunog habang binabago ang timpla..

At magenjoy to your Halayang kalabasa,pwedeng palaman sa tinapay,pang hopia,tart,cake,smoothies,ice cream,at halo halo...at kung ano ano pang pwedeng gawin..
ENJOY..


 Hulmahin para magandang tingnan at masarap kainin at kung gusto ilagay sa malinis na garapon o container..


 Ang sarap nito ,lalo na pinalamig ng kaunti sa fridge.papak lang oks na oks..
Bagay sa mga batang di kumakain ng squash...ihalo nyo sa milk..+.+ wow! Yummy...