Search Your Favorite Food here

Wednesday, April 24, 2013

Kilawing Puso ng Saging with Tahong

Hi mga kabayan!..Namis nyo ba ang pagkaing Pinoy at magluto ng di gumagamit ng delata?..
Dahil nandito ako sa Pilipinas ,madali lang ang mga sangkap hanapin kung Lutong Pinoy ang gusto mong kainin...Ang pagkaing namis ko na ng matagal mula ng ako ay nasa Tokyo..ay ang Puso ng Saging,yung sariwa at hindi delata o halos lanta na nabibili sa mga pamilihan sa Japan...

Gagawa po kami ng Nanay ko ng niluluto pa nya noong kami ay maliliit pa...

kilawin puso ng saging with tahong mix
Mga Sangkap na Ginamit namin ay ang mga sumusunod...

1 medium size na fresh puso ng saging/banana heart or banana flower ,di kaya banana blossom sabi nila sa ingles..
1/2 kilo tahong..boiled and unshelled,,then chopped
mga 5 to 6 tbsp of vinegar
chopped garlic and onion...amount depends on you,i put plenty of garlic and onion..
olive oil,,para sa panggisa
patis or salt to taste
black pepper and cayenne pepper or siling pulbos..
2 cups water

banana heart/or puso ng saging ..for kilawin ingredients.
Pag luluto...
Simulan nateng balatan o alisin ang matigas na parte ng puso ng saging at saka ito hiwain ...
 Maghanda ng lalagyang may tubig at lagyan ng asin...para doon ilagay ang hiniwang puso ng saging..



Sa loob ng bowl na may asin...para alisin ang dagta ng puso ng saging...hugasan at pigain ng 3 beses..at itabi muna...lutuin naten ang tahong..

nilisin at ilaga sa 1 basong tubig ,pwedeng lagyan ng luya at rice wine sa nalalansahan../optional suggestion lang..

Palamigin at alisin sa tahong shell at kunin ang laman..

hiwain ng malilit or pwedeng hindi na...importante kase alisin ang buhok o balbas ng tahong iset aside muna
at maghanda ng kawali na may mantika..igigisa naten ang mga sangkap....

buhusan ng 2 tbsp of olive oil,igisa ang bawang kasunod ng sibuyas..haluin  mabute..

then pag tancha nyo okay na ,ihulog ang hiniwang tahong..at haluin ulit ..igisa lang konte bago ihulog ang puso ng saging..

ngayon kung okay na..ihulog ng dahan dahan ang puso ng saging...

buhusan ng 1 cup of water para palambutin..takpan ng ilang minuto..ichek na lang kung okay yun g lambot ng puso ng saging.

timplahang patis according to your taste..nilagyan ko ng 4 tbsp na patis ito

kapatak na siling pulbos at black pepper

5 tbsp ng suka or according sa inyong asim na gusto..

haluin at takpan para pakuluan hanggang ito ay maluto..
At kung alam yung luto na..tikman at icheck ang lasa....then ready to serve na...

at ilipat sa maayos na lalagyan at ihain sa lamesa..para lalong magandang tingnan

wow,yummy ....

tasting time...sarap ng lasa tamang tama ang asim...gusto ko itong papakin kaysa kainin sa kanin...aprub

More related topic..please watch the video of this recipes..click the image below at mapapanood nyo ang pagluluto ko nito kasama ng mother ko...Salamat po..


Enjoy eating....Watch the amount of your rice...to avoid belly fats..babushh.................