Search Your Favorite Food here

Showing posts with label Tagalog Food. Show all posts
Showing posts with label Tagalog Food. Show all posts

Friday, February 28, 2014

Chicken Barbecue (Skewers Recipe)

Taste of Pinoy..



Simple and Easy Grilled Chicken skewers

All you need are..
Chicken meat
1 cup pineapple juice for marinating the meat
black pepper and salt
Soy sauce
Oyster sauce
Sugar
Barbecue STICK

For the barbecue Sauce
Peanut butter
Sugar
Soysauce
Salt and black pepper


Clean and Cut Chicken meat into small bite pieces


 Prepare for the marinating process..
1 cup pineapple juice

Pagtitimpla ng Sauce..
Paghaluin lamang ang mga Sangkap sa isang bowl..

 Then set aside muna...




 Ibababad ang Chicken meat ng ilang oras or kahit 30 minutes


 Then ituhog isa isa sa barbecue stick


At isalansan sa inyong iihawan..Pauling or pa oven..

Sa kalagitnaan ng pagiihaw..pahiran ng sauce para mas magkaroon ng lasa ang iniihaw na barbecue




Then enjoy your Chicken Skewers Barbecue..
Masarap pang ulam or sa mahihilig magpapak o uminom..bagay itong PULUTAN..


For more details watch the video of this recipe..


....

Monday, November 4, 2013

Ginataang Hipon o Sugpo

Ang sarap kumain ng hipon ,Tapos nakakamay lang..Bawal lang kung may allergy ."patay tayo diyan"!.
Masisira pati diet..May ganun talaga huh?
  Tamang tamang pulutan o ulam, "Bakit ba pulutan lagi laman ng utak ko,"eheh!




Ang sarap!!!!!..

Simpleng luto pero medyo maluho,medyo hindi mura ang hipon eh,pero paminsan minsan ,masaya naman kung salo salo sa ginataang hipon..





Pagluluto..
Igisa sa mantika ang luya,bawang,sibuyas at kamatis..Taktakan ng paminta..add little vinegar after magisa,then ibuhos ang gata(Coconut cream or milk)
Kung gustong maglagay ng bagoong .it's according to your taste.




 Naglagay ako ng kaunting suka.(1 tbsp).Pwedeng unahin ang hipon sa suka or pwedeng wala na reng suka..it's according to you.




Ihulog ang mga hipon..Haluin ng bahagya at ibuhos ang Coconut milk.


 Takpan ng mga ilang minuto na medyo mamula ang hipon..then ihalo ang green onions or talbos ng bawang..



 Haluin para magpantay ang lasa at hayaang maluto ng lunod sa Coconut milk (if possible).no added water ang mas yummy..


Ayusin ang salansan ng hipon kung gusto ng magandang presentation..
i used chopstick .


Tikman at ayusin ang timpla( Add Seasoning) salt ,turmeric,o iba pang pang dagdag lasa ..lagyan ng spicy seasoning kung gusto ng anghang..
Then enjoy....

Charap !!!...

Thursday, October 31, 2013

Inihaw na Pusit ( Grilled Squid)

Pusit na may kaunting gulay sa loob
Kung walang ihawan ,we can use microwave oven or oven toaster..linisin nyo lang after nitong gamitin,medyo malansa ang inihaw na pusit,kung hahayaan ito ng di nilinis.

INIHAW NA PUSIT

STUFFED PUSIT
For more information you can also watch the cooking video of this.




Mga Sangkap at Paghahanda .

Para sa Pangbabad...
Toyo,Suka,Paminta,All Spice seasoning,Garlic Powder,Soda Pop,Luya,Green onion,


Para sa Sauce ..
4 tbsp Soy Sauce, 2 tbsp.Ketsup. 1 tbsp Oyster Sauce, 1 tsp Sesame Oil, Lemon juice,2 tsp Honey,
Black Pepper and salt to taste,

inihaw squid sauce



                                                Para sa Palaman o Filling
Kamatis
Onion
Garlic
Green and Red Bell Pepper
Paminta,Toyo,All Spice Seasoning,Lemon juice or Suka.Sesame Oil,
(PAGHALUIN LAHAT ITO)para sa palaman ng Pusit. at Tooth pick para pangsara ng pusit.

Mga hiniwang gulay (For Squid Stuffing)




 Ang recipe na ito ay may 3 to 4 servings

I used 2 large Fresh Pusit , cleaned

Kung gusto ng Timplang Adobo ay depende sa inyo..


Ibababad ang Pusit sa hiniwang luya,Green onion,Toyo,Paminta,allspice seasoning,Vinegar

 
Kaunting soda pop or 7-up /sprite..lamasin ng kamay at budburan ng garlic powder,Imamarinate ito kahit 1 hour..



After an Hour...Ipapalaman ang mga gulay..


Punuin ng gulay ang tiyan ng pusit hanggang tumaba at kapag nailagay na ,isara ng tooth pick..


Ihanda ang Ihawan o paglulutuan ng Pusit...



Lutuin ng bahagya ,mga 15 minutes at ilalabas natin para gilitan at buhusan ng ginawang sauce..

Timplahan ng sauce ang ibabaw ng pusit..or gumamit ng brush

Kapag ginilitan ng hilaw ang Pusit,luluwa ang mga laman na inilagay at masisira ren ang korte ng pusit..so mas maganda lutuin muna ng kaunti bago ito gilitan..


 Ibalik sa Lutuan,Gumamit ng Grilled Oven para malitson ang pusit..


Pahiran o buhusan ng sauce kapag sinisilip.


Hayaang maluto .................Tik tak tik tak...



Optional ito...Papahiran ko ng Butter ang almost luto ng Pusit at hayaang kong matunaw sa lutuan..


Iwasan ang sobrang luto,baka tumigas ang pusit..

Kapag luto na ang pusit..Hanguin and ready for Plating ..Enjoy..





Bagay na bagay sa Wine ang putahe na ito..



timplahan ng sarsa kung kulang pa ang lasa..spicy sauce mas yummy..





Ang Sarap na Pulutan ng Inihaw na Pusit.. ...Enjoy.......................