Search Your Favorite Food here

Friday, May 17, 2013

Macaroni Salad..Pinoy Style

  Kapag sinabing macaroni salad ng Pinas ,siguradong ito ay isang uri na ng desserts na halos makikita sa mga ibat ibang okasyon o handaan..ito ay maluhong pagkain sa dahilang mahal ang mga sangkap nito..
  Masarap ang lasa nito ,dahil ito ay fruity ..Kaso kapag lamon ang kain na ginawa mo dito ..ito po ay nakakataba dahil puno po ito ng mayonaise..alam nating lahat mayonaise is not part of healthy diet so dapat eat in proper amount lang po.....
  Ang Macaroni salad naman ng Japan ay talagang gulay na pangsalad lang at hindi lasang desserts..

Macaroni Salad Pinoy Style

Macaroni Salad ng Pilipinas
Mga Sangkap ng macaroni Salad...

Gagamit ako ng 1/2 kilo ng macaroni na pangsalad..however any macaroni is okay..
Mayonaise in bottle Jar..amount is depends on your taste
1 canned pineapple chunks..almost 2 cups po ito
1 cup california Raisins..
1 cup sliced into cubes..Cheese
1 or 2 medium size red bell pepper or Paprika
1 small size onion ,chopped at binabad sa asin na may malamig na tubig or may yelo....pigain po sya dapat bago ihalo sa mga sangkap....paara di malasahan sa takot sa sibuyas..tips lang po ito.

ingredients for macaroni salad

sliced and chopped ingredients..ready para pag haluhaluin..
Palambutin sa kasirolang may tubig ang macaroni..budbudan ng mga 1 tsp of salt...kapag malambot na ang macaroni ..gumamit ng salaan at ibuhos sa malamig na tubig at haluin ng kamay at ilipat uli sa ibang lalagyan ng sinasala sa strainer..kailangang hindi matubig ang pasta macaroni..

wala lang trip lang namin ito..buong pinya biniyak ng paganito at inukit sa gitna ..inalis at  laman
Gagamitin ko itong lalagyan ng macaroni salad...cute po itong iserve sa mga sa handaan ..then set aside muna ito.. 

Ukitin at kunin ang laman ng pinya...gagawin itong bowl ng salad..
ihanda ang mixing bowl or any lalagyan na okay para sa macaroni ninyo..

isunod ang manok na flakes (laga na syempre) na paborito ng Filipino..na ako naman ay hindi mahilig he he he...hipon or scallop ang type ko po dito..kaso my family likes the original recipes..so talo ako lol..

then add the raisins..mix it well

follow the red bell pepper,haluin uli syempre..

at ang pinigang onion at pinya...paghalu haluing mabuti...
idagdag ang keso ..



And there they are..okay na ang Macaroni Salad..ready to eat na..serve with your favorite lalagyan..and drink plenty of water or mas okay ang green tea..warm po not cold....+.=

And if you want to watch the video making of this recipes..click the image below at doon makikita nyo ang paggawa ko ng macaroni salad katulong ng aking madir...paborito ng ermat ko to,,kaya kahit manok suggestion nya..he he he...


ENJOY PO>>>BABUSHHHHH...Eat with moderation po....See you ulit...

No comments:

Post a Comment