Search Your Favorite Food here

Monday, July 2, 2012

Crunchy..GINISANG TOGUE

Veggies recipe for healthy diet..no pork added ingredients..crunchy at hindi masabaw na luto....



Para sa health conscious..walang baboy na ginisang gulay..



Ang togue ay kilala sa mga lutuing Filipino...tulad ng lumpia ..ang togue ay gawa sa monggo..na kung malalaman nyo ay hindi madaling gawin dahil mabusisi..at kung bibilhin naman ito ay isang mumurahing gulay...wag nyong isnabin kahit ito mura ..panalo ito sa sustansya...yan ang pakinabang ng togue...

At kung sasamahan nyo pa ng ibang gulay at sahog like tokwa ..ay mas lalong dadami ang bitamina at mineral..

Masisira lang ang sustansya nito kapag masyado ng lutong luto o yung malabsa ..itong aking ginawa ay walang sabaw,walang vetsin,walang instant mix o food flavor enhancer...at walang laman ng hayup...

Okay ang mga Sangkap nito ay ang mga sumusunod....
Fresh Togue..Ang dami depende sa lulutuin ninyo..ako ay nagluto ng pang 2 katao...
onion,garlic,tomato..black pepper..toyo
carrots..repolyo..konte lang na dami nito..
at tokwa...

yes...ang uunahin nyo ay iprito ang tokwa.......at kung tantya nyong pwede na ang luto ng tokwa...
ihulog nyo ang carrots para lumabot...then bawang sa tabi ng kawali...igisa at isunod ang sibuyas....

at kapag alam nyo ng medyo nagisa na ..ihulog ng lahat ang natirang gulay...togue at repolyo...
then timplahan na according to your taste.........i don`t use salt..okay na ang konteng toyo..paminta ...

Video cooking click the image below....





Tokwa at Talong ..Simpleng ulam

Alam kong lahat tayo kilala ito..kung famous ang tokwa at baboy....ay mas pipiliin ko na ang tokwa at talong....ligtas pa ako sa sakit sa puso...ang baboy ay inugali kong hindi na kumakain more than ten years na...

good for breakfast lunch and dinner.. 

wag kalimutan ang tubig..hindi softdrinks or juices..at ugaliing kumain ng prutas..para mas healthy balance..


Noong bata syempre kumakain ako,dahil ngayon marami na akong natutunan sa larangan ng kalusugan...i cut animal meat to my diet..and not for diet reason only...for the care of animal den....anyway...

Ang putaheng ginawa ko kagabi ...ay mura,simple,madali at masustansya...
Ang mga sangkap lang na gagamitin ay napakasimple...

Cooked rice..sa nag babawas ng bilbil..use brown rice..
talong o eggplant
tokwa o yung tofu
olive oil..
  para sa sawsawan..
  you will need..vinegar,soy sauce..black pepper,garlic,[optional..sesame seed]. siling maanghang.or powdered cayenne pepper...

How-to...
  iinitin lang ang kawali sa konteng olive oil..iprito nyo ang tokwa at talong..pwedeng bukod o sabay..kung malaki ang inyong kawali o di naninikit...at kung naluto nyo na ito..itabi muna..

then...gagawa ng garlic rice...gisa nyo ang konteng bawang sa mantika...until golden brown at ihulog ang kanin na dami na gusto nyong isangag....but remember...rice is nakakalaki ng tiyan..so watch the amount of rice always...


At ngayon gagawa naman ng sawsawan...alam nyo na siguro..pag haluhaluin lang ang suka bawang paminta sili toyo at haluin...depende na sa inyo kung anong timpla ang gusto nyo...

enjoy eating....~.^

If you want to watch the Video cooking tutorial...click the image below...


Ginataang Gabi ..for meryenda

Kapag sinabing gata...kahit ano pupwede basta marunong kayong magtimpla at magluto...
Mapaulam man o meryenda......
at ngayon..medyo kakaiba itong nilutong kong meryenda...wala lang kase kong maluto ng iba...gustuhin ko mang makompleto ang sangkap ng bilo bilo ..wala na akong oras mamili,as in malayo pa sa bahay ko..

kahit kamote lang pwede...o kamoteng kahoy o yung balinghoy na tawag sa amin......

anyway,masarap namang igata ang gabi...sa hindi nga lang mahilig ,medyo malapot kase yung gabi pag naluto na...pero siguradong kong masarap naman ito at bagay na bagay sa inyong desserts..pero ako gusto koang gabi...kaya nagluto ako nito..mas bagay talaga may saging na saba...at dahil wala nga...kapalit na ginamit ko ay ang ordinaryong saging...sobrang bagay sya at masarap..subukan nyo ng malaman nyo..

mas masarap syang kainin ng pinalamig muna sa refrigerator...

no added sugar ginataan ..lutong bilo bilo..kulang lang sa sangkap..

healthy ito at bagay sa ayaw tumaba...

Mga sangkap na kailangan ...
3 pirasong gabi..cut into small bite size
1 small piece of kamote..cut into small bite size
5 tbsp of honey
half cup of coconut milk
2 cups na tubig
3 tbsp of powder ube kamote...dito sa Japan available yan..
1/2 na hiniwang saging

howto cook....
syempre..magpapakulo ng tubig sa inyong kaserola ,kahit hindi pa kumukulo pwede ng ilagay ang gabi at kamote...takpan at palambutin ng konte .....after a minute silipin .haluin at ibuhos ang coconut milk....haluin at ilagay ang 5 tbsp of honey.....you can add your own sugar if you want...but i suggest use brown kesa sa white refine sugar...for healthy matter ..
at isama na reng ibudbod ang powdered ube camote...mix well..or tunawin na muna ninyo sa tubig ang ube powder bago ilagay sa niluluto..medyo namumuo pala sya pag direct na inilagay...

so ganoon lang po....bago nyo kainin ,mas maganda pong ilagay muna sa ref at palamigin ng ilang oras para ang gabi ay mawala ang lasang gabi...wag nyong ilalagay ng mainit pa ang inyong ginataan...kapag malamig na sa kaldero saka nyo ilipat sa ref............

So kapag lumipas na ang ilang oras pwede nyo ng tikman...at ilagay sa ibabaw ang hiniwang saging...
Enjoy your meryenda ~.^ don`t forget to drink water...

gabi sa Japan...called satoimo..
ingat di maalergy..may nangangati sa pag babalat ng gabi....

watch the cooking video ..click the image below...

some photos below....

add cut banana for topings..perfect match..to avoid sugar..make the banana as a sweetener...
enjoy eating meryenda...