Yeap! no lye water ang aking ginawang Kutsinta...Ang point po dito ay yung cassava powder,,ang cassava powder po at ang tapioca powder ay iisa..Tapioca ay yun pong tinatawag na sago..kung mapapansen nyo makunat ang sago so kung gagamit tayo ng cassava powder sa paggawa ng kutsinta ito po ay magiging makunat na tulad ng inaasahang nyong resulta ng lye water..
Hindi ko sinasabing wag gumamit ng lye water,personally ayoko gumamit ng mga masyadong puro chemical sa food..over use of lye water ay nakakasunog po ng intestine ng tao ..so dapat alam nyo ang proper use ng amount nito..
Anyway..lahat ng tao ay may kanya kanya paraan o style ng pagluluto..walang rules kapag ang isang tao ay nagluto maliban na lang ikaw ay may restaurant..kinakailangan nito na ang lasa o timpla ng resipi ay nasa iisang timpla para di nagbabago ang mga lasa...na alam ko namang halos dinaya lang naman ng MSG ang mga food na kinakain natin sa mga fast food or restau...wala lang..mag search kayo..
Narito ang Kutsintang ginawa ko..yummy soft and chewy ..tamang tamis at lasa...
kutsinta making
yummy kutsinta
Ang mga sangkap na akin ginamit ...
1 or 1 1/2 cup na Cassava powder or Tapioca starch( sago po ito).mentras madami kukunat ito..wag lang sosobra baka maging rubber na he he he..
1/2 cup na arina or flour..yung iba cornstarch o rice flour ang ginagamit..
1/4 cup ng brown sugar
1 tsp of anito pwder or atsuete ..tunawin sa half cup na tubig
1 cup na tubig..
Dahon ng saging kung if gusto lang gumamit para masarap kainin ang kutsinta..
Grated na nyog..fresh or kahit desicated coconut...sa ibang bansa mahirap maghanap ng fresh meron mahan..for sure expensive sya..
At mga gamit sa pagluluto ng kutsinta..Mixing bowl,panghalo,panukat like kutsara at cup..
at syempre steamer...gagamit den tayo ng cheese cloth pero pwede deng wala..but sa tingin ko mas kailangan sya..
for quick video cooking...
continue ......
Tapioca starch is made of cassava..
Fresh grated niyog..
mga iba pang sangkap at gamit
molder para sa lumpia..
Ang pagagawa ng kutsinta...
Sa mixing bowl..maglalagay tayo ng 1 cup of clean water
Then 1 tsp of anato powder o yung atsuete na pulbos..tunawin sa half cup of water at ibuhos sa mixing bowl
mix it well ,minsan mahirap matunaw sa tubig so siguraduhin tunaw ito sa pag hahalo..
add naten ngayon ang 1/4 cup of brown sugar
haluin syempre ang asukal then idagdag natin ang 1 cup or 1 cup and half of cassava powder o yung tapioca starch..
batihing mabuti para pumantay ang kutsinta mixture natin..
then ihahalo na ren natin ang flour o yung arina ..half cup lang nito then mix it well..
haluin lang ng haluin at saka natin ilalagay sa mga molder....at dapat nakahanda na ang inyong steamer na pinaiinit na may tubig...punuin nyo halos ng tubig para sigurado na di kayo matutuyuan..
para di mahirap ilagay sa molder..pwedeng ilagay muna naten ang mga molder sa loob ng steamer .at saka natin ibuhos isa isa sa molder ang kutsintang tinimpla..
then takpan at lutuin naten ito ng mga 40 to 1 hour or more time depende sa inyo obserba..
silip silipin nyo ang niluluto nyo..dahil kung alam nyong ito ay kulay orange o mabrown na..try nyong tusukin ng toothpick
para malaman kung matigas na o matubig pa.
yung iba di nagamit ng cheese cloth..pero ako nilagyan ko para yung excess na tubig sa kutsinta ay masipsip ng cheese cloth..
kapag alam nyong ito ay makunat at luto na..hanguin at palamagin ..then alisin sa molder
ihanda ang niyog at isa isang alisin ng any pointed sharp na tools meron kayo jan..kahit tinidor ..
kung silicon molder ang ginamit nyo...madali lang itong alisin dahil malambot ang molder