Alam natin marami ang mahilig sa nuggets,lalo na nga ito ay gawa sa chicken,Mas gaganahan kung may french fries pa o burger..,di man ito masasabing healthy food..kung kayo ay health conscious gawa na lang tayo sa bahay ..kung may time ren lang naman.
di po iyan binili..handmade po iyan..yung box ginamit ko lang..
Simple lang ang pag gawa ng chicken nuggets...Nakapagtrabaho ako sa Factory ng ham..kaya medyo may idea ako sa pag gawa ng mga ganyang mga pagkain..ang totoong paggawa nyan ..di ko na ikukwento..Iaarange ko na lang sa aking version para makakain naman ang pamilya ko ng maayos na chicken nuggets..
yummy nuggets
Mga Sangkap...
Mga 1/2 kilo breast chicken meat ..boiled and flakes/or chopped
1 tsp salt and black pepper..adjust according to your taste
black pepper..cayenne pepper and all spice seasoning...taktakan nyo ayon sa timplang gusto nyo..
1 tsp sugar .
2 cups hotcake flour..
1 cup fresh milk or water..add as it needed..kailang di malagkit o matigas ang chicken dough
PAG HAHANDA AT PAGLULUTO...
kailangan natin ng boiled chicken flakes not raw meat..pwedeng hiwain ng maliliit
taktakan ng all spice seasoning,black pepper at cayenne pepper..1 tsp salt at 1 tsp sugar
2 cups na hot cake flour..then haluin..
Buhusan ng 1 cup na tubig or 1 cup fresh milk...then haluin ng kamay
Lamasin sa kamay para maging siksik..kneed like adough
Magshape ng nuggets size according sa size na gusto nyo..gamitin ang palad ..
then kapag nakagawa na kayo ng nuggets shape..irerest po naten ito sa freezer ng kahit 3 to 4 hours..but pwede na ren mang iluto ng derecho..-magpainit ng mantika sa lulutuan nyong kawali..mainit sya dapat..
Kapag nilagay nyo sa freezer..tunawin ang yelo kahit 30 minutes...siguraduhing marunong kayong mag fry sa mantika..
minsan tumitilansik kase..but make sure may takip kayo..
pero dont worry kahit may yelo ang nuggets di po yang titilansik..basta takpan lang at siguraduhing ang heat ay nasa medium lang..
iprito hanggang sa maging golden brown..
tikman kung luto na ang loob..then kung okay na..hanguin..at ready to serve
you can enjoy eating it with potato fry or burger..bongga diba!
parang binili lang.ano,.anong panama ng mga fast food jan he he he..yung box ginamit ko lang..di po bili yang nuggets..gawa ko po iyan baka isipin pinikcturan ko lang yung nuggets..kaloka ha!
Kakanin noong panahon pa ng lolo ko..he he he...Kase naman ,bata pa ako,malimit ko na itong kainin ,ngayon di na masyado,ayoko na ..alam nyo na ,marami ng naglalabasang mga soshal o mas masasarap hahaha..at bihira na itong karyoka na mabili..
If you want to watch the video cooking tutorial ,just watch the image below..and for more details of the recipe ,just continue to scroll down..click the image below so you can see the video cooking..
Subalit may time na ,nakakamis den,kaya nga nasumpungan namin ulit ng aking mother na gumawa nito..Noong bata pa ako, malimit namin itong lutuin,simpleng sangkap lang ,may karyoka ka na..di ba!
karyoka ..
MGA SANGKAP...
Malagkit powder lang po
Kaunting tubig sa pag gawa ng dough
mantika syempre
Matamis na bao..i kakaramelays lang po sa tubig./caramelized coco jam..
At kung gusto ng patuhog ..you need bbque stick..
You can add sesame seed for special flavor..
rice malagkit flour
my handmade jam..bumili kung wala..
Paraan ng Pagluluto..
1.Sa isang mixing bow magbuhos kayo ng tamang dami ng malagkit na arina..at buhusan ng tubig ayon sa dami ng kailangan ninyong lulutuin na arina..At ang lagkit na dough na inyong gagawen,ay para timpla lang ng bilo bilo .kailangang hindi malata o matigas..yung alam nyong mabibilog nyo sa kamay ninyo..
magbilog ayon sa laki ng gusto..like bilo bilo lang naman
2.Magbilog bilog kayo ayon sa laki ng gusto nyong karyoka balls..one bite size is okay na siguro like bilo bilo..at mas cute kung tutuhugin naten ito sa barbecue stick..
3.Kapag tapos ng pagtutuhog nyo..Dapat nakahanda na ang pagpiprituhan nyo..pa deep fry o kahit kalahati lang ng kawali ninyo..ingatan lang ng di magdikit dikit habang niluluto..
yan na,yung tuhog tuhog na karyoka
4..At sempre ingatan di masunog,medium heat okay na,antabayanan habang itoy niluluto,magingat na di mapaso ng mantika..
5..then hanguin kung sigurado na ang luto ng inyong karyoka..magtry ng isang piraso para malaman ang resulta...makunat sya loob,at malutong sa labas..
6 then sa isang lalgyan ,ihain nyo at buhusan o patuluan ng kaunting caramelized coco jam at ready to serve na..and you can sprinkle it with sesame seed too.to enjoy more flavor taste..
caramelized coco jam..
buhusan ng coco jam ang luto ng karyoka..hmmm yummy..
7 Madali lang po diba? so try nyo kapag wala kayong meryenda at simple lang ito..yun nga lang not healthy food ito,if you consume a lot of it..so inom inom ng plenty of water.mabigat po ito sa tyan so alalay lang sa mga maliit na bata..at baka di matunawaan..
butse karyoka imbento lang po
,matamis pero sulit..
.Maraming salamat po..Please try my other recipes na kakanin or meryendang Pinoy..