Search Your Favorite Food here

Tuesday, March 12, 2013

Crispy Lumpiang Togue

Bata pa ako ito ay isa sa mga paborito kong kainin,lalo na ngat maanghang ang sukang sawsawan..Yun nga lang dahil ito ay lublob sa mantika ay hindi maganda sa katawan ,kung ang gagawen ninyong kain ay hindi nyo kokontrolin o hindi gagamitan ng maayos na mantika...at dahil sa tagal ng panahon ko sa pagbabasa ng mga masustansya at di masustansyang sangkap na kinakain ng tao,ay marami akong napagalaman at syang aking napatunayan...so ngayon ako ay isa ng 90 percent vegan..ako ay hindi na katulad noong bata na kahit ano na lang ay kinakain,may halos sampung taon na akong hindi kumakain ng laman ng hayup..so ang lumpiang togue ko ay walang giniling na baboy o karne na katulad na ginagawa ng karamihan..

not only yummy but healthy..lumpiang malutong na gulay 

Ang mga sangkap na aking ginamit aya ang mga sumusunod...para lang ito sa 3 katao.

lumpia wrapper..ayon sa dami ng inyong pakakainin..
Konteng hiniwang kamote
isang basong togue or bahala na kayo sa lulutuin nyong dami
konteng hiniwang carrots
hiniwang repolyo
bitsuelas or green beans
konteng bawang at sibuyas para sa paggigisa..
hiniwang tokwa
hinimay na sariwang hipon ,hiwain o kahit hindi na hiwain..
asin at paminta...toyo, kung gustong maglagay
olive oil ...
some pinch of of fish broth /optional
hiniwang gulay para sa malutong na lumpia
ihanda ang mga sangkap...igigisa ko sya bago ko balutin

simulan nyo sa tokwa ..or bawang at carrots..para madaling lumambot 

at isa isahin nyong ihulog ayun na ren kung paano kayo maggisa...lagyan ng konteng tubig ,wag lang mashadong lulutuin ang gulay.

palamigin ng konte ang ginisang gulay,para kung inyo itong ibalot sa lumpia wrapper at hindi kayo mainitan..

continue lang ng pagbabalot at lagyan lamang ng sapat na dami ng hindi ito  lumuwa habang piniprito..

pwede nyo itong i deep fry ,subalit ang style ko ay hindi,kaunti lamang na mantika ang pag piprito ko /i used olive oil...

at kapag sya ay mukha ng malutong at golden brown,hanguin at ready to serve na..

at gumawa ng sauce ...with vinegar,sili .i used cayenne peper,paminta ,toyo,onion.patis at anything na gusto nyong ihalo sa sawsawan nyo...


my konte syang cilantro para sa or celery green ,spicy sauce yummy

okay na okay sa meryenda kahit walang rice gustong gusto namin ng anak ko ito..

yummy and healthy

sarap ng lumpiang togue ...

hindi ba kayo ginutom ..try na para sa inyong putahe 
if you want to watch the video ..watch the image below and just click...


enjoy eating...but always keep watching how much calories you are consuming...babushhh mga kabayan...