Search Your Favorite Food here

Showing posts with label Cassava Cake. Show all posts
Showing posts with label Cassava Cake. Show all posts

Wednesday, September 25, 2013

No Bake Cassava Cake

Yes,we can make Cassava Cake without using oven..Please continue reading..
If you like to eat cassava cake but ,minsan nakakatamad ang mag bake or wala kayong oven.pero gusto nyo ng food na kailangan daw i bake..
No bake cassava cake..yummy diba!


sliced of cassava cake 
MGA SANGKAP..


Ingredients....
4 cups shredded fresh cassava
2 cups coconut cream or coconut milk
1 cup condensed milk or add more
1/4 cup sweet macapuno
shredded cheese..
Banana leaf..

For toppings
3 tbsp macapuno
parmesan cheese
margarine

Kung gusto panoorin sa video ang pagluluto just click the image below....for more details about the recipe just continue to scroll down lang po...





PAG HAHANDA AT PAG LULUTO....

In a mixing bowl..Ilagay natin ang 4 cups na cassava na inad ad... tabi muna natin ito..
       Sa bukod na bowl,paghaluin natin ang coconut milk ...condensed milk at macapuno...


Paghaluing Mabuti....At isalin sa bowl ng cassava ..At Paghaluin den hanggang mabuo ang mala creamy na consistency ng iluluto nating cassava cake..


Kapag halo na ang mga sangkap...Ihanda ang paglulutuan ng cassava..
Gagamit tayo ng bilog na tray na lalagyan natin ito ng sapin ,dahon saging ang gagamitin natin dito..kung wala pwde siguro ang aluminum paper..although i don't use it if possible..anyway,
Ibuhos natin ang tamang dami ng hinalong cassava sa tray...at isasalang natin ito sa steamer..

Alug alugin para magpantay ang lulutuin nating cassava...
Takpan ng cheese cloth ,katya o dahon ng saging...at lutuin ng ilang minuto...

Antabayanan ng di masunog ang inyong niluluto...
Kapag matigas na o medyo luto na..Tusukin ng tinidor o toothpick to make sure na luto na ito...kung may tubig sa ibabaw.punasan at pahiran ng mga ilalagay sa toppings..
Pahiran ng tamang dami ng margarine.at budburan ng cheese..at kaunting macapuno..
Takpan ng mga 1 to 2 minutes and then luto na po....medyo matunaw lang ng kaunti ang queso okay na..



Then takpan ng mga 2 minutes....At tingnan kung natunaw na ang keso then puwede na itong hanguin to serve...

At kung di satisfied sa kulay sa ibabaw dagdagan natin ng margarine para mamula mula ang kulay ng ibabaw..


Sarap diba!...hinay lang sa pagkain ..di po ito healthy food..matamis na pagkain ito....





Enjoy po...Salamat po....

Friday, August 30, 2013

Pinakamadaling Paggawa ng NILUPAK


Ang Nilupak ay gawa sa Cassava at sa saging na saba,May gumagawa ng purong cassava ,at may naglalagay ng ube ..kanya kanyang style ng pag gawa ng nilupak.

Ngayon ang simple,madali.masarap na nilupak ang ituturo ko sa inyo..Hindi na kailangan ng pangbayo..kamay nyo lang at ibang sangkap na makikita sa inyong kusina ay okay na..

NILUPAK

TO WATCH THE VIDEO>>Click the image below...and for more details of the recipe ,just scroll down ...



Lets start with the ingredients..
4 cups shredded boiled cassava
2 cups mashed boiled saging na saba..yung medyo hilaw o matigas..wag yong hinog na.
1/2 cup condensed milk or adjust if want more tamis
1 cup grated niyog
1/4 melted butter



boiled cooking banana

boiled cassava


condensed milk,melted butter and margaerine..at dahon ng saging

mash all the cassava and saging na saba

you can use fork ,your 2 hands,,smash cassava by your hands...

ang saging na sabi..ay kailangang bayuhin o pitpitin ng kahit na baso o tasa

in a mixing bowl,,ipitin ng madiin ang mga saging na pinutol putol until maging mashed

and then pag samahin ang 2 sangkap.halui ng kamay at saka titimplahan ng mga mga matamis

4 cups cassava at 2 cups saba saging...


add 1 cup fresh grated coconut then haluin toegether

then continue the melted butter 1/4 cup ..at haluin syempre


then ibuhos ang condensed milk..1 cup or lessen or add more acc. to your taste...

hulmahin at sukatin ayun sa laki ng gusto sukat ...dahil okay na itong kainin




ayan yung shaped nilupak..margarine na lang ready na sa meryenda..



kanya kanya ng korte at paghulma ng kani kanilang nilupak...party kami ng araw na ito..kakatapos lang ng bagyo at baha..




hope you like the recipes...eat and enjoy po...babushhh..............

Sunday, June 23, 2013

Easy Cassava Cake Recipe

Pag gawa ng Cassava Cake ay may ibat ibang klase o istilo ng pagtitimpla..may gumagamit ng cassava powder ..at ng sariwang inad ad na cassava o yung kamoteng kahoy...may naghahalo ng keso ,macapuno,condensed milk,evap milk...at may naglalagay ng arina para ito ay dumami ..

Ipapakita ko po sa inyo ang totoong masarap na Cassava Cake na gamit ay purong Kamoteng Kahoy..puwede naman po ang Cassava Powder kung wala namang mabilhan....sawa na kase ako sa mga processed product so dito muna tayo sa totoong ingredients...
Lets get started....

luweeh's cassava cake

yummy cassava cake
Easy homemade Cassava Cake



Kung gusto ng purong cassava ..Sundin lang po ang pag luluto ko at madali nyong makukuha ang masarap at malinamnam na Cassava Cake..

Alalahanin lang po ..ito po ay pagkaing di healthy diet...Diabetic food po ito so..remind ko lang sa mga mahihilig ng matatamis..eat in moderation and don't forget to drink plenty of water..

Video Tutorial...watch the image below and for more details of the recipe just continue scroll down ..





Ingredients

1 kilo Shredded Fresh Cassava
1 cup Coconut Milk ...
1 cup melted butter
2 eggs
1 canned condensed Milk..ordinary size..adjust if needed
1 cup sugar or adjust if needed
half cup grated cheese
2 tbsp Parmesan cheese
3 tbsp macapuno sweets
Margarine for top brushing

Shredded Cassava..



Cassava Cake Ingredients




Procedure..


Haluin mabuti then i add ang Condensed Milk


At lagyan ng Coconut Milk ..haluin syempre..

Haluing mabuti para pumantay ang timpla

Mag ad ad ng keso..Shredded Cheese

Ihalo ang keso...


Ilagay ang 2 itlog then haluin hanggang maging isa ang kulay..

Ganyan yung resulta ng tinimplang Cassava Mix.. na ibe bake..

Ihanda ang tray na paglalagyan para ibake...at mga pangsahog sa ibabaw ng cassava cake..
and then preheat the oven for about 320 degree na init..

Ibuhos sa Baking Tray na pinahiran ng butter

Ipasok sa oven at lutuin ng ilang minuto...

Obserbahan at ilabas ang cake ng di pa luto ...para sa toppings...budburan ng parmesan cheese . 


3 tbsp ng condensed milk..ikalat sa ibabaw gamit ang kutsara

isunod ang macapuno...kahit 3 tbsp okay na..ikalat den sa ibabaw ng cake..


then ibalik sa oven at lutuin na ng complete...ng mga ilan pang minuto...

Ihanda ang brush at margarine..

After a minutes..ilabas at para makasigurong luto ,tusukin ng toothpick..at pahiran ng margarine sa ibabaw..ibalik sa oven..painitin ng kaunte sa oven ng patay na ang inyong kalan...at balikan para hanguin ...

hiwain at ready to serve na...

here is the yummy Cassava Cake...yum yum...

Creamy chewy Cassava Cake...

enjoy eating ...pero hindi po ito healthy diet so alalay po sa pagkain....





FOR MORE CASSAVA KAKANIN..TRY THESE RECIPES..

CASSAVA ESPASOL..YUMMY ..

http://luweehskitchencooking.blogspot.jp/2013/07/pag-gawa-ng-espasol.html



HOW ABOUT CASSAVA SUMAN..PABORITO KO ITO,Kayo kaya paborito ren ba ito?

http://luweehskitchencooking.blogspot.jp/search/label/Suman