Search Your Favorite Food here

Thursday, October 31, 2013

Inihaw na Pusit ( Grilled Squid)

Pusit na may kaunting gulay sa loob
Kung walang ihawan ,we can use microwave oven or oven toaster..linisin nyo lang after nitong gamitin,medyo malansa ang inihaw na pusit,kung hahayaan ito ng di nilinis.

INIHAW NA PUSIT

STUFFED PUSIT
For more information you can also watch the cooking video of this.




Mga Sangkap at Paghahanda .

Para sa Pangbabad...
Toyo,Suka,Paminta,All Spice seasoning,Garlic Powder,Soda Pop,Luya,Green onion,


Para sa Sauce ..
4 tbsp Soy Sauce, 2 tbsp.Ketsup. 1 tbsp Oyster Sauce, 1 tsp Sesame Oil, Lemon juice,2 tsp Honey,
Black Pepper and salt to taste,

inihaw squid sauce



                                                Para sa Palaman o Filling
Kamatis
Onion
Garlic
Green and Red Bell Pepper
Paminta,Toyo,All Spice Seasoning,Lemon juice or Suka.Sesame Oil,
(PAGHALUIN LAHAT ITO)para sa palaman ng Pusit. at Tooth pick para pangsara ng pusit.

Mga hiniwang gulay (For Squid Stuffing)




 Ang recipe na ito ay may 3 to 4 servings

I used 2 large Fresh Pusit , cleaned

Kung gusto ng Timplang Adobo ay depende sa inyo..


Ibababad ang Pusit sa hiniwang luya,Green onion,Toyo,Paminta,allspice seasoning,Vinegar

 
Kaunting soda pop or 7-up /sprite..lamasin ng kamay at budburan ng garlic powder,Imamarinate ito kahit 1 hour..



After an Hour...Ipapalaman ang mga gulay..


Punuin ng gulay ang tiyan ng pusit hanggang tumaba at kapag nailagay na ,isara ng tooth pick..


Ihanda ang Ihawan o paglulutuan ng Pusit...



Lutuin ng bahagya ,mga 15 minutes at ilalabas natin para gilitan at buhusan ng ginawang sauce..

Timplahan ng sauce ang ibabaw ng pusit..or gumamit ng brush

Kapag ginilitan ng hilaw ang Pusit,luluwa ang mga laman na inilagay at masisira ren ang korte ng pusit..so mas maganda lutuin muna ng kaunti bago ito gilitan..


 Ibalik sa Lutuan,Gumamit ng Grilled Oven para malitson ang pusit..


Pahiran o buhusan ng sauce kapag sinisilip.


Hayaang maluto .................Tik tak tik tak...



Optional ito...Papahiran ko ng Butter ang almost luto ng Pusit at hayaang kong matunaw sa lutuan..


Iwasan ang sobrang luto,baka tumigas ang pusit..

Kapag luto na ang pusit..Hanguin and ready for Plating ..Enjoy..





Bagay na bagay sa Wine ang putahe na ito..



timplahan ng sarsa kung kulang pa ang lasa..spicy sauce mas yummy..





Ang Sarap na Pulutan ng Inihaw na Pusit.. ...Enjoy.......................

Wednesday, October 30, 2013

Pag Gawa ng Bibingka Galapong na Niluto sa Uling

  Yes ! Gagawa tayo ng Bibingka sa uling,paminsan minsan makakain naman ng di binibili or di puro pa bake or steamed process.
  Kapag araw ng simbang gabi at mag December,Sikat na sikat ang Bibingka.
Paano kung walang mabilhan sa lugar nyo?




Sa Japan ginagawa ko ren ito,Pero gusto ko ng original na pagluluto nito..Ang luto sa uling.Sa pinas ko lang ito nagagawa .Dito sa Tokyo mahirap gawin at matrabaho,delikado ren.Kahit yung lutuan eh wala,masarap den ito lutuin ng marami kayo.

Anyway simulan nating gawin ang Bibingka sa uling..

For more information..you can also enjoy the VIDEO MAKING of the BIBINGKA
                           VIDEO OF making the BIBINGKA

Mga Sangkap at Paghanhanda ..

Kailangan ng sapat na dami ng dahon ng saging ayon na ren sa dami ng lulutuin.at ibinilad sa arawan para lumambot.


 Ang mga sangkap na gagamitin..para sa isang bibingka..3 to 4 servings lang ito..
double or add more ingredients para makagawa ng maraming bibingka.

1 cup Rice flour /not the glutinous rice..ordinaryong rice flour /galapong powder
3 eggs /raw
1 cup Coconut Milk
3 tbsp Butter
2 tbsp Powdered milk dilute in 2 tbsp water..or make a 1/4 cup of fresh milk or evap/adjust the consistency.
1 cup sugar
Shredded Cheese and Grated Coconut for the toppings
Salted eggs
Dahon ng saging at lutuan ng bibingka at syempre uling.



                           Sa palengke ito nabibili ..sa department ?, i'm not sure kung mayroon nga.


                            Dapat may marunong mag handle ng lutuan..medyo delikado ito sa hindi sanay.


                                        Sa isang mixing bowl,maghanda ng 1 cup na Coconut milk.


                                           Lagyan ng 1 cup na Rice Flour at haluin


Kapag nahalo na..lagyan ng almost 1/4 cup na fresh milk or evap..

                                           
                                                   You can use milk powder,at tunawin sa tubig..
                                 i used 2 tbsp of milk powder tinunaw sa kulang kulang na 1/4 cup na tubig.


                     
                           And add 1 to 2 tsp of baking powder para umalsa ,ang sobra nito ay di masarap..
                                                                           so iwasan
                                                                  ang gamit ng labis nito.
And then i set aside muna natin ang tinimplang rice flour..

Sa bukod na lalagyan..maghanda ng 3 tbsp of butter..hindi tunaw ang ginamit ko but you can use melted butter.

Ihalo ang sapat na asukal na gusto..i used 1 cup of the sugar..haluin na kasama ng butter..pour it gently
Gumamit ng tinidor para madali.



Then ihanda ang 3 itlog..i crack natin ito one by one sa tinitimplang asukal at butter..


 Haluing mabuti ito at ihahalo natin ang first mixture dito para maging single batter.


                                       
                                          Eto na yung dalawang tinimpla..Pag samahin ang 2 ..

                                   
                                         Haluing mabuti at ihanda ang lutuan at paglalagyan ng bibingka.


                              Ang gawa sa palayok na lutuan..sapinan ng dahon na kinorte at ibuhos ang lulutuing bibingka...


                       Kung gusto ng espesyal na bibingka,lagyan ng hiniwang itlog na pula sa gitna at sa ibabaw.

                                     
                                         Punuin ang lalagyan ng 3 cups ang dami .


 Isalang sa lutuang uling ..Huwag kalimutang takpan ng dahon ng saging ang nilulutong bibingka bago ipatong ang uling..

     Magrelax ng ilang minuto habang nakasalang ang bibingka..obserbahan kung ito ay naluluto para maiwasan ang masunog.
 After a minutes....
kung medyo matigas na ang ibabaw...pahiran ng butter at budburan ng asukal,then takpan ulit ng dahon ng saging..tunawin ang sugar sa isang minuto..





 At balikan ito para budburan ng keso..medyo matrabaho pero ganun talaga,at tunawin ang keso ng mga 1 minuto takpan ulit ng dahon ng saging ..At kung sunog na ang dahon lagyan ng bagong dahon..

At ilang minuto ay luto na ang BIBINGKA...


 Hanguin ang mainit na bIBINGKA...mag ingat sa init para di mapaso at ready for toppings...


                                                              ANG SARAP diba!
                                                Budburan ng niyog ..wow yummy!

                                                                KAIN NA PO TAYO....
                                                             Enjoy the Bibingka...