Search Your Favorite Food here

Tuesday, March 12, 2013

Crispy Lumpiang Togue

Bata pa ako ito ay isa sa mga paborito kong kainin,lalo na ngat maanghang ang sukang sawsawan..Yun nga lang dahil ito ay lublob sa mantika ay hindi maganda sa katawan ,kung ang gagawen ninyong kain ay hindi nyo kokontrolin o hindi gagamitan ng maayos na mantika...at dahil sa tagal ng panahon ko sa pagbabasa ng mga masustansya at di masustansyang sangkap na kinakain ng tao,ay marami akong napagalaman at syang aking napatunayan...so ngayon ako ay isa ng 90 percent vegan..ako ay hindi na katulad noong bata na kahit ano na lang ay kinakain,may halos sampung taon na akong hindi kumakain ng laman ng hayup..so ang lumpiang togue ko ay walang giniling na baboy o karne na katulad na ginagawa ng karamihan..

not only yummy but healthy..lumpiang malutong na gulay 

Ang mga sangkap na aking ginamit aya ang mga sumusunod...para lang ito sa 3 katao.

lumpia wrapper..ayon sa dami ng inyong pakakainin..
Konteng hiniwang kamote
isang basong togue or bahala na kayo sa lulutuin nyong dami
konteng hiniwang carrots
hiniwang repolyo
bitsuelas or green beans
konteng bawang at sibuyas para sa paggigisa..
hiniwang tokwa
hinimay na sariwang hipon ,hiwain o kahit hindi na hiwain..
asin at paminta...toyo, kung gustong maglagay
olive oil ...
some pinch of of fish broth /optional
hiniwang gulay para sa malutong na lumpia
ihanda ang mga sangkap...igigisa ko sya bago ko balutin

simulan nyo sa tokwa ..or bawang at carrots..para madaling lumambot 

at isa isahin nyong ihulog ayun na ren kung paano kayo maggisa...lagyan ng konteng tubig ,wag lang mashadong lulutuin ang gulay.

palamigin ng konte ang ginisang gulay,para kung inyo itong ibalot sa lumpia wrapper at hindi kayo mainitan..

continue lang ng pagbabalot at lagyan lamang ng sapat na dami ng hindi ito  lumuwa habang piniprito..

pwede nyo itong i deep fry ,subalit ang style ko ay hindi,kaunti lamang na mantika ang pag piprito ko /i used olive oil...

at kapag sya ay mukha ng malutong at golden brown,hanguin at ready to serve na..

at gumawa ng sauce ...with vinegar,sili .i used cayenne peper,paminta ,toyo,onion.patis at anything na gusto nyong ihalo sa sawsawan nyo...


my konte syang cilantro para sa or celery green ,spicy sauce yummy

okay na okay sa meryenda kahit walang rice gustong gusto namin ng anak ko ito..

yummy and healthy

sarap ng lumpiang togue ...

hindi ba kayo ginutom ..try na para sa inyong putahe 
if you want to watch the video ..watch the image below and just click...


enjoy eating...but always keep watching how much calories you are consuming...babushhh mga kabayan...

Monday, March 11, 2013

Pag gawa ng UKOY with 6 veggies mix...

Ukoy is similar to Japanese Tempura or Okonomiyaki...pinagkaiba lang ang sarsa o sauce...
Ang tempura bihira o hindi mo makikitang nilalagyan ng toge...dahil siguro matubig ang toge...
at sa okonomiyaki naman pwede ang toge kaso walang carrots ..subalit kahit ano namang gulay ay pwedeng paghalu haluin ,bastat alam nyong bagay sa timpla at panlasa nyo..

Ngayong araw na ito,ipapakita ko sa inyo kung paano ako gumawa ng ukoy...para na ren sa mga anak kong hapon ,medyo may dinagdag akong sangkap at para na ren mas masustansya ...


crispy yummy ukoy

my version of ukoy..

Narito ngayon ang mga sangkap na aking ginamit..

Mga 1 dakot na hiniwang hipon..kahit yung malilit basta fresh ..balat na sya
thin sliced of carrots
konteng togue
bitsuelas/optional
you can add patatas or kamote ..para sa bata ,request ng kid ko..thin sliced syempre
at konteng green bell pepper ..yung hindi maanghang /optional den
at para mas okay ..nilagyan ko ren ng onion..thin sliced den
at donnot forget the flour with baking powder mix and bit salt..pero ako i used Tempura mix powder ng Japan...
1 egg..native mas better..yung brown ..
1 cup o konteng tubig...depends sa dami ng gulay na ihahalo nyo sa ukoy nyo......dapat medyo parang pancake lang ang timpla ng mixture nyo..
importante ang maraming gulay kaysa puro karne ng hayop

hipon lang ang sangkap na inihalo ko sa 6 na klase ng gulay para dsa ukoy recipes ko..

howto...

Sa inyong mixing bowl...ibuhos nyo muna ang 1 cup of arina or tempura powder,,,then add some water ,add the egg,you can give a little salt or black pepper na ren ...combine and mix together...
then isa isahin nyong ihulog ang mga sangkap ayon na ren sa inyong mga gulay na ilalagay,....

Ang style ko pag katapos ko syang ihulog sa mixture at paghaluhaluin...itry nyo ilagay muna sa ref ng atlis 1 hour ..then saka nyo i deep fry o iprito ng parang pa pan cake..use healthy oil like olive oil,grape seed oil..well,mga oil user, nasa sa inyo nakasalalay ang kinakain ng pamilya nyo at pati ng inyong kalusugan..lalo na sa mga figure conscious like me...


If you want to watch my video on how i make the lutong ukoy..please click the image below...at mapapanood nyo ang video ng aking paggawa ng ng ukoy...i am not a professional in cooking but i have my own way of cooking techniques for the sake of healthiness ..