Hi mga kabayan!..Namis nyo ba ang pagkaing Pinoy at magluto ng di gumagamit ng delata?..
Dahil nandito ako sa Pilipinas ,madali lang ang mga sangkap hanapin kung Lutong Pinoy ang gusto mong kainin...Ang pagkaing namis ko na ng matagal mula ng ako ay nasa Tokyo..ay ang Puso ng Saging,yung sariwa at hindi delata o halos lanta na nabibili sa mga pamilihan sa Japan...
Gagawa po kami ng Nanay ko ng niluluto pa nya noong kami ay maliliit pa...
kilawin puso ng saging with tahong mix
Mga Sangkap na Ginamit namin ay ang mga sumusunod...
1 medium size na fresh puso ng saging/banana heart or banana flower ,di kaya banana blossom sabi nila sa ingles..
1/2 kilo tahong..boiled and unshelled,,then chopped
mga 5 to 6 tbsp of vinegar
chopped garlic and onion...amount depends on you,i put plenty of garlic and onion..
olive oil,,para sa panggisa
patis or salt to taste
black pepper and cayenne pepper or siling pulbos..
2 cups water
banana heart/or puso ng saging ..for kilawin ingredients.
Pag luluto...
Simulan nateng balatan o alisin ang matigas na parte ng puso ng saging at saka ito hiwain ...
Maghanda ng lalagyang may tubig at lagyan ng asin...para doon ilagay ang hiniwang puso ng saging..
Sa loob ng bowl na may asin...para alisin ang dagta ng puso ng saging...hugasan at pigain ng 3 beses..at itabi muna...lutuin naten ang tahong..
nilisin at ilaga sa 1 basong tubig ,pwedeng lagyan ng luya at rice wine sa nalalansahan../optional suggestion lang..
Palamigin at alisin sa tahong shell at kunin ang laman..
hiwain ng malilit or pwedeng hindi na...importante kase alisin ang buhok o balbas ng tahong iset aside muna at maghanda ng kawali na may mantika..igigisa naten ang mga sangkap....
buhusan ng 2 tbsp of olive oil,igisa ang bawang kasunod ng sibuyas..haluin mabute..
then pag tancha nyo okay na ,ihulog ang hiniwang tahong..at haluin ulit ..igisa lang konte bago ihulog ang puso ng saging..
ngayon kung okay na..ihulog ng dahan dahan ang puso ng saging...
buhusan ng 1 cup of water para palambutin..takpan ng ilang minuto..ichek na lang kung okay yun g lambot ng puso ng saging.
timplahang patis according to your taste..nilagyan ko ng 4 tbsp na patis ito
kapatak na siling pulbos at black pepper
5 tbsp ng suka or according sa inyong asim na gusto..
haluin at takpan para pakuluan hanggang ito ay maluto..
At kung alam yung luto na..tikman at icheck ang lasa....then ready to serve na...
at ilipat sa maayos na lalagyan at ihain sa lamesa..para lalong magandang tingnan
wow,yummy ....
tasting time...sarap ng lasa tamang tama ang asim...gusto ko itong papakin kaysa kainin sa kanin...aprub
More related topic..please watch the video of this recipes..click the image below at mapapanood nyo ang pagluluto ko nito kasama ng mother ko...Salamat po..
Enjoy eating....Watch the amount of your rice...to avoid belly fats..babushh.................
Tauchong bangus ay isang lutuing hinaluan ng salted black beans at tahure ..with vinegar at ibang gulay..Medyo maasim na lasang luya ,hindi sinigang ,hindi naman tinola..
Milkfish Taucho
Mga Sangkap....3 to 4 katao na resipi..
1 medium size na Bangus /Milkfish ..Sliced ..
Vinegar
Soy Sauce
Ginger ..siling pang paksiw
Garlic
Onion
Tomato
Kangkong /Water Spinach
Talong/Eggplant
Salted black beans in canned
Tahure or handmade Tofu
Patis/Fish sauce
Olive oil
sliced milkfish
Pagluluto..
.Hiwain ang mga sangkap ...At iprito ng bukod ang Bangus habang ginigisa ang mga sangkap..
Paggawa ng Tahure..homemade..
lamasin ang tokwa sa suka,toyo,patis at paminta..and set aside
ihalo ang hiniwang talong sa ginisang sangkap
haluin at ilagay ang ginwang tahure
haluin uli then isunod ang 1 tbsp na salted black beans
haluin uli at lagyan ng 2 to 3 cups of water according sa mahilig magsabaw..
timplahan ng suka 2 to 3 tbsp of vinegar at 2 tbsp ng patis/fish sauce ..syempre according sa inyong panlasa..
at isunod ang kangkong..mas maganda kung hindi lutong luto ang kangkong/half cooked
huli nito ay ihulog ang 1 o 2 piraso ng siling pang paksiw
takpan at pakuluan ng ilang minuto..at kung sa tingin nyo luto na ang ginisang gulay...ipatong at ihalo ang pritong bangus
lutuing kasama ng gulay ,takpan at lutuin pa ng kaunte ..
ayan luto na..ready to serve na...enjoy ,,,
Kung gusto ng video kung paano ko ito niluto..iclick ang image sa ibaba at enjoy watching..
Ang sinigang ay isang uri ng pagkaing Filipino...Isa itong maasim na pagkain na may sabaw ,hinaluan ng maraming gulay at ibat ibang klaseng sahog na laman tulad ng karne ng baka o buto buto ng hayop , ,baboy,hipon o isda..Subalit sa katulad kong di kumakain ng laman ng hayop..Ang tanging maihahalo ko sa lulutuin ko ay ang Hipon.. Seafood na sinigang...Syempre,sagana sa gulay at Hindi ako gumagamit ng mga mix flavor o yung mga timplang may MSG..hindi ren kase maganda ito sa ating kalusugan..so kahit higupin mo ang sinigang siguradong masustansya at ligtas sa mga food additive..
Sinigang na Hipon sa Miso with Fresh Samapalok/Tamarind soup
Mga Sangkap na ginamit ko..sa mga 3 o 4 na katao na resipi ito..Ang mga sangkap ay galing sa Pilipinas ...
Ingredients for Sinigang na hipon ...
1/2 medium size ng Hipon
1 bigkis na kangkong or water spinach..
3 piraso ng Gabi..
1 small size ng Labanos
1 o 2 sili pang paksiw..
4 o 5 kamatis..
4 o 5 sibuyas..
10 busal ng Garlic
kapirasong Ginger/luya
2 cup na dinurog na katas ng sariwang Sampalok/lemon para sa mga walang sampalok..
5 to 10 piraso ng ok
1 bigkis ng sitaw
1 pirasong talong
sea salt or patis at black pepper...acccording to your taste ang timpla ..
2 tbsp of olive oil
at cayenne pepper o siling powder,optional na ito..
3 to 4 cups tubig depende kung mahilig kayo ng masabaw ..
1 tbsp of salted black beans /or tausi beans..or tahure kung tamad gumawa ng sariling tahure..
Howto ..
Ang style ng paguluto ko ay medyo kakaiba ,subalit ang lasa ay di nagbabago mas lalo lang syang luminamnam .at kaysarap higupin kahit walang rice...
ilaga sa 2 baso ng tubig at pisain ng tinidor..
Itabi muna ang pinisang sampalok.
Ang Pagluluto...
Mag init ng kawali ,lagyan ng 2 tbsp. na olive oil..Igisa nyo ng kaunti ang luya then isunod ang bawang at ang sibuyas ...at ihuli ang pa ang kamatis...
Kapag naigisa nyo na ang mga ito...Haluin at Ihulog ang Fresh na hipon ,iluto naten dito kasama ng mga ginisang spices..lagyan ng paminta at cayenne pepper..At lagyan ng 2 tbsp na Miso ..
Sundan ng pinisang katas ng sampalok mga 1 o 2 baso ang dami...
Timplahan ng kaunting paminta at siling pulbos..ginamit ko ay cayenne pepper...according sa inyong panlasa..
Takpan at pakuluan ng kaunting minuto bago ilipat sa kasirola kasama ng mga gulay..
Habang ginagawa nyo ito maghanda ng kasirola na may 3 baso na tubig...ilaga kasama an g gabi
...at isunod isa isa ang mga gulay ..labanos,okra ,sitaw ..or ayon sa inyong style ng pag luluto....yung mahilig sa pa half cook hinaan nyo ang apoy at bantayan ng di lumabsa ang mga gulay..ihuli ang kangkong at sili..
Pakuluan ng ilang minuto...at ihulog nyo na ang ginisa nyong hipon na may sabaw ng sampalok...at idagdag nyo sa huli ang kangkong at sili..
Pakuluan at tikman ang lasa at ayusen kung ano ang kulang ayon sa inyong panlasa..
At kung okay na...hanguin at pwede ng ihain...
Pakuluan ng ilang minuto at ready to serve na ang masarap na sinigang na hipon..
Ayan luto na ang sinigang na hipon..mas maasim at mainit mas masarap..,ganyan po ako magsigang lunod sa kamates ,sibuyas at bawang...at sariwang sampalok...para na ren sa ikabubuti ng inyong kalusugan...
PARA SA GUSTO NG VIDEO NG PAGLULUTO...just click the image down below..and then enjoy watching the cooking of sinigang na hipon ..
bye bye..happy eating...and don't forget to eat rice with moderation para di lumaki ang tyan at walang bilbil....