Search Your Favorite Food here

Tuesday, May 28, 2013

How to make KUTSINTA without using LYE WATER

Yeap! no lye water ang aking ginawang Kutsinta...Ang point po dito ay yung cassava powder,,ang cassava powder po at ang tapioca powder ay iisa..Tapioca ay yun pong tinatawag na sago..kung mapapansen nyo makunat ang sago so kung gagamit tayo ng cassava powder sa paggawa ng kutsinta ito po ay magiging makunat na tulad ng inaasahang nyong resulta ng lye water..

Hindi ko sinasabing wag gumamit ng lye water,personally ayoko gumamit ng mga masyadong puro chemical sa food..over use of lye water ay nakakasunog po ng intestine ng tao ..so dapat alam nyo ang proper use ng amount nito..

Anyway..lahat ng tao ay may kanya kanya paraan o style ng pagluluto..walang rules kapag ang isang tao ay nagluto maliban na lang ikaw ay may restaurant..kinakailangan nito na ang lasa o timpla ng resipi ay nasa iisang timpla para di nagbabago ang mga lasa...na alam ko namang halos dinaya lang naman ng MSG ang mga food na kinakain natin sa mga fast food or restau...wala lang..mag search kayo..

Narito ang Kutsintang ginawa ko..yummy soft and chewy ..tamang tamis at lasa...

kutsinta making

yummy kutsinta
Ang mga sangkap na akin ginamit ...

1 or 1 1/2 cup na Cassava powder or Tapioca starch( sago po ito).mentras madami kukunat ito..wag lang sosobra baka maging rubber na he he he..
1/2 cup na arina or flour..yung iba cornstarch o rice flour ang ginagamit..
1/4 cup ng brown sugar
1 tsp of anito pwder or atsuete ..tunawin sa half cup na tubig
1 cup na tubig..
Dahon ng saging kung if gusto lang gumamit para masarap kainin ang kutsinta..
Grated na nyog..fresh or kahit desicated coconut...sa ibang bansa mahirap maghanap ng fresh meron mahan..for sure expensive sya..
At mga gamit sa pagluluto ng kutsinta..Mixing bowl,panghalo,panukat like kutsara at cup..
at syempre steamer...gagamit den tayo ng cheese cloth pero pwede deng wala..but sa tingin ko mas kailangan sya..


for quick video cooking...


continue ......

Tapioca starch is made of cassava..

Fresh grated niyog..

mga iba pang sangkap at gamit

molder para sa lumpia..
Ang pagagawa ng kutsinta...

Sa mixing bowl..maglalagay tayo ng 1 cup of clean water

Then 1 tsp of anato powder o yung atsuete na pulbos..tunawin sa half cup of water at ibuhos sa mixing bowl

mix it well ,minsan mahirap matunaw sa tubig so siguraduhin tunaw ito sa pag hahalo..

add naten ngayon ang 1/4 cup of brown sugar

haluin syempre ang asukal then idagdag natin ang 1 cup or 1 cup and half of cassava powder o yung tapioca starch..

batihing mabuti para pumantay ang kutsinta mixture natin..

then ihahalo na ren natin ang flour o yung arina ..half cup lang nito then mix it well..

haluin lang ng haluin at saka natin ilalagay sa mga molder....at dapat nakahanda na ang  inyong steamer  na pinaiinit  na may tubig...punuin nyo halos ng tubig para sigurado na di kayo matutuyuan..

para di mahirap ilagay sa molder..pwedeng ilagay muna naten ang mga molder sa loob ng steamer .at saka natin ibuhos isa isa sa molder ang  kutsintang tinimpla..

then takpan at lutuin naten ito ng mga 40 to 1 hour or more time depende sa inyo obserba..

silip silipin nyo ang niluluto nyo..dahil kung alam nyong ito ay kulay orange o mabrown na..try nyong tusukin ng toothpick
para malaman kung matigas na o matubig pa.

yung iba di nagamit ng cheese cloth..pero ako nilagyan ko para yung excess na tubig sa kutsinta ay masipsip ng cheese cloth..

kapag alam nyong ito ay makunat at luto na..hanguin at palamagin ..then alisin sa molder 

ihanda ang niyog at isa isang alisin ng any pointed sharp na tools meron kayo jan..kahit tinidor  ..

kung silicon molder ang ginamit nyo...madali lang itong alisin dahil malambot ang molder

ayan..ready to eat your meryenda..yummy!

enjoy kutsinta na walang lye water...





Eat with moderation..ng di tumaba..

Monday, May 27, 2013

How To make Rice Cake..Biko na Pirurutong

Rice cake ay isang lutuing kakanin na niluto sa asukal at coconut milk,May dalawang uri ng rice cake..Ang isa ay gawa sa ordinaryong bigas at ang isa ay gawa sa malagkit na bigas..Subalit ang pag gawa ng Biko o rice cake ay hindi ordinaryong bigas kundi malagkit na bigas .
(Glutinous rice or sticky rice )
At ang Biko kapag luto na ito ay may ibat ibang toppings na inilalagay,may coco jam or matamis na bao.. mayroon deng latik( Coconut Milk Curd)...mayroon namang plain lang or asukal lamang..at iba pa ,depende na ren minsan sa mga kinaugalian ng ating mga kababayan..i mean yung mga probinsya..

Ngayon ang gagawen ko ay isang uri ng Biko subalit ang bigas na gagamitin ko ay yung bigas na makulay pula o maitim na bigas..at hahaluan na lang natin ng kaunting bigas na malagkit..
Ang bigas na ito kung iluluto nyo ng puro para gawing Biko,ay medyo matigas po ang resulta kaya mas maganda ang may halong malagkit na bigas..ang bigas na pirurutong ay maraming sustansya kumpara sa mga puting bigas..maganda pa ang kulay nito kapag ito ay naluto na..

Rice Cake..Biko na Pirurutong..

Yummy Biko na Pirurutong with Latik..
Ang mga Sangkap sa pag gawa ng rice cake pirurutong..

1 cup glutinous rice or bigas na malagkit
1 cup rice pirurutong...kulay black po na bigas ito..sa pinas mahirap maghanap ng puro karamihan ay may halo..di tulad sa Japan may puro na nabibiling black rice..
3 to 4 tbsp. of cane sugar or paldo..or any sugar na gusto nyo at dami na tamis ay depende sa gusto nyo..
tubig na pang hugas sa bigas..
latik na gawa sa coconut milk..
3 to 4 cups ng Coconut milk ..
at kung may pandan ..para mabango pwedeng itong lagyan habang niluluto..

ganito ang bigas na pirurutong sa Pilipinas..may halo na siguro ito..

Bigas na malagkit

Paldo or cane sugar ..

Latik..(Coconut milk curd)

Homemade coconut milk or in canned is okay den naman..
PAG GAWA NG BIKO...

hugasan ang 2 bigas na pinaghalo..o ibabad kahit 30 minutes bago ito lutuin sa kawali

kapag handa na itong iluto..alisin ang tubig at ihulog ang bigas sa kawali ..

isunod ang 2 1/2 cup muna na coconut milk ..wag ilagay ang lahat ng coconut milk na sangkap..unti unti natin itong ihahalo habang niluluto..

haluin syempre ..sa mahinang apoy..isaing natin ito sa kawali..

takpan at bantayan ang niluluto ..

puwdeng isabay na ang pandan kaso late ko na itong nailagay...

budbudan ng 3 to 4 tbsp na asukal..ayun sa tamis na gusto ninyo

kapag alam nyong matigas pa ang bigas buhusan nyo pa ito ng half cup of coconut milk..or depende sa palagay nyong dami na kinakailangan pa ng inyong nilulutong biko..

then haluin lang ng haluin ito hanggang sa maluto ang bigas na dapat ay  parang kanin na sa lambot..
then kung luto na ..ilatag sa dahon ng saging ..kung wala kahit sa plato na may coconut oil or any mantikilya.

budburan ng latik at hiwain depende sa gusto nyong kain

hulmahin ng pabilog or pa square depende sa trip nyong Rice cake na shape

sa matamis ang bibig like my mother..bitin sa tamis..sinawsaw pa sa paldo na parang puto bumbong  lol..

Rice Biko na Pirurutong..

Ang sarap ng kulay alangang  Ube or Itim na BIKO...

Para sa gustong manood ng video ng paggawa ng Biko na pirurutong..just click the image below at mapapanood nyo na ang ang paggawa ng biko..enjoy poh...+.+



Maraming salamat po......Ingat po sa pagkain lang ng mga kakanin ..nakakataba po ang mga kakanin. at
mabigat sa tyan ang malagkit...basta lahat ng isusubo nyo sa bibig nyo ..EAT WITH MODERATION..

Wednesday, May 22, 2013

Chili Lumpia..Dynamite Stick

This recipes is very hot and spicy .Bagay na appetizer lalo na sa mahihilig ng maanghang na pagkain...Mas maganda kung kakainin ito ng may fresh veggies salad .

Dynamite Lumpiang shanghai

Spicy Chili Lumpia


You can watch the video making of this by clicking the image below...and you can see the step by step tutorial after the video image ..

VIDEO OF the Chili Lumpia...


INGREDIENTS for making Dynamite Lumpia...
10 pieces or more of long Siling mahaba..the one use in Paksiw na isda..
you can use Jalapeno chili ,if want more spicy flavor.
you can use ground meat..mine is flake tuna..in canned or fresh.
Garlic.
Onion
Tomatoes
Basil and Parsley ..includes here the red bell pepper
Parmesan Cheese
White egg without or with the yolk..1 to 2 eggs
Some flour
black pepper  /cayenne pepper an optional..
potatoes and carrots
some soy sauce or oyster sauce..
bit of sugar or honey..an optional..or can use pineapple juice or fresh chunks pineapple
you also a lumpia wrapper...
And a cooking oil for frying and a sauce according to your taste and type..

Ingredients for Chili Lumpia..Dynamite stick

Chopped ingredients for chili Lumpia

separate the tuna meat and syrup ..we  don't need the syrup..Pigain
para madali and then ibukod ang tuna flakes..

hiwain sa gitna ang sili,ng di sasagad sa likod ng balat ng sili ..gagawa tayo ng bulsa ng sili..(Stuffed Chili)

Tanggalin ang mga buto ng sili..Magingat sa pagtatanggal ng buto ng sili...magaapoy sa init ang inyong mga kamay...

Gumamit ng pangtanggal o maggwantes..

Ihanda ang mga sangkap at ating pag sama samahin..First put the tuna flakes on the mixing bowl

Then add the chopped Red bell Pepper.Carrots Tomatoes..

Basil,parsley,onion,garlic,potatoes ..then mix it well..at atin itong igigisa sa konteng mantika ..

Palalambutin ng kaunti at lagyan ng konteng matamis..i used honey..puwede reng pineapple juice..at ang dami ay according sa inyong gusto..

Kung ito ay okay na..palamigin ng kaunti para di mainit habang ito ay isinisilid sa  sili na biniyak naten..ipapalaman sa loob ng sili ang ginisang sangkap..Budbudan ng mraming Parmesan Cheese as more as you want..

Add 1 egg white..then haluin

add also some tbs of flour para medyo mamuo ang palaman naten..

then ihanda ang mga sili at ipalaman sa loob ang mga sangkap..

Bago balutin ang sili budburan natin ito ng kaunting arina..At.balutin po ito naten ng lumpia Wrapper.(lumpia style) 

Haluin nyo ang mga sili sa arina..ingatan na di lalabas ang mga palaman ..

eto yung lumpia na sili bago iluto..
Ideep fry ang siling binalot..

ihain sa paboritong serving plate at lagyan ng gulay or salad ..

Gumawa ng sauce ..suka,cheese creamy ,mayonaise ,ketsup at kahit ano na type nyong sawsawan..


then ready to eat na...warning po bawal ito sa bata.dahil sa matindi ang anghang ng sili nito..

Enjoy your Spicy appetizer ..The Hot Chili Lumpia..DYNAMITE LUMPIA ever..lolz

Thank you po...by luweeh..+.+