Search Your Favorite Food here

Monday, May 27, 2013

How To make Rice Cake..Biko na Pirurutong

Rice cake ay isang lutuing kakanin na niluto sa asukal at coconut milk,May dalawang uri ng rice cake..Ang isa ay gawa sa ordinaryong bigas at ang isa ay gawa sa malagkit na bigas..Subalit ang pag gawa ng Biko o rice cake ay hindi ordinaryong bigas kundi malagkit na bigas .
(Glutinous rice or sticky rice )
At ang Biko kapag luto na ito ay may ibat ibang toppings na inilalagay,may coco jam or matamis na bao.. mayroon deng latik( Coconut Milk Curd)...mayroon namang plain lang or asukal lamang..at iba pa ,depende na ren minsan sa mga kinaugalian ng ating mga kababayan..i mean yung mga probinsya..

Ngayon ang gagawen ko ay isang uri ng Biko subalit ang bigas na gagamitin ko ay yung bigas na makulay pula o maitim na bigas..at hahaluan na lang natin ng kaunting bigas na malagkit..
Ang bigas na ito kung iluluto nyo ng puro para gawing Biko,ay medyo matigas po ang resulta kaya mas maganda ang may halong malagkit na bigas..ang bigas na pirurutong ay maraming sustansya kumpara sa mga puting bigas..maganda pa ang kulay nito kapag ito ay naluto na..

Rice Cake..Biko na Pirurutong..

Yummy Biko na Pirurutong with Latik..
Ang mga Sangkap sa pag gawa ng rice cake pirurutong..

1 cup glutinous rice or bigas na malagkit
1 cup rice pirurutong...kulay black po na bigas ito..sa pinas mahirap maghanap ng puro karamihan ay may halo..di tulad sa Japan may puro na nabibiling black rice..
3 to 4 tbsp. of cane sugar or paldo..or any sugar na gusto nyo at dami na tamis ay depende sa gusto nyo..
tubig na pang hugas sa bigas..
latik na gawa sa coconut milk..
3 to 4 cups ng Coconut milk ..
at kung may pandan ..para mabango pwedeng itong lagyan habang niluluto..

ganito ang bigas na pirurutong sa Pilipinas..may halo na siguro ito..

Bigas na malagkit

Paldo or cane sugar ..

Latik..(Coconut milk curd)

Homemade coconut milk or in canned is okay den naman..
PAG GAWA NG BIKO...

hugasan ang 2 bigas na pinaghalo..o ibabad kahit 30 minutes bago ito lutuin sa kawali

kapag handa na itong iluto..alisin ang tubig at ihulog ang bigas sa kawali ..

isunod ang 2 1/2 cup muna na coconut milk ..wag ilagay ang lahat ng coconut milk na sangkap..unti unti natin itong ihahalo habang niluluto..

haluin syempre ..sa mahinang apoy..isaing natin ito sa kawali..

takpan at bantayan ang niluluto ..

puwdeng isabay na ang pandan kaso late ko na itong nailagay...

budbudan ng 3 to 4 tbsp na asukal..ayun sa tamis na gusto ninyo

kapag alam nyong matigas pa ang bigas buhusan nyo pa ito ng half cup of coconut milk..or depende sa palagay nyong dami na kinakailangan pa ng inyong nilulutong biko..

then haluin lang ng haluin ito hanggang sa maluto ang bigas na dapat ay  parang kanin na sa lambot..
then kung luto na ..ilatag sa dahon ng saging ..kung wala kahit sa plato na may coconut oil or any mantikilya.

budburan ng latik at hiwain depende sa gusto nyong kain

hulmahin ng pabilog or pa square depende sa trip nyong Rice cake na shape

sa matamis ang bibig like my mother..bitin sa tamis..sinawsaw pa sa paldo na parang puto bumbong  lol..

Rice Biko na Pirurutong..

Ang sarap ng kulay alangang  Ube or Itim na BIKO...

Para sa gustong manood ng video ng paggawa ng Biko na pirurutong..just click the image below at mapapanood nyo na ang ang paggawa ng biko..enjoy poh...+.+



Maraming salamat po......Ingat po sa pagkain lang ng mga kakanin ..nakakataba po ang mga kakanin. at
mabigat sa tyan ang malagkit...basta lahat ng isusubo nyo sa bibig nyo ..EAT WITH MODERATION..

No comments:

Post a Comment