Search Your Favorite Food here

Wednesday, September 25, 2013

No Bake Cassava Cake

Yes,we can make Cassava Cake without using oven..Please continue reading..
If you like to eat cassava cake but ,minsan nakakatamad ang mag bake or wala kayong oven.pero gusto nyo ng food na kailangan daw i bake..
No bake cassava cake..yummy diba!


sliced of cassava cake 
MGA SANGKAP..


Ingredients....
4 cups shredded fresh cassava
2 cups coconut cream or coconut milk
1 cup condensed milk or add more
1/4 cup sweet macapuno
shredded cheese..
Banana leaf..

For toppings
3 tbsp macapuno
parmesan cheese
margarine

Kung gusto panoorin sa video ang pagluluto just click the image below....for more details about the recipe just continue to scroll down lang po...





PAG HAHANDA AT PAG LULUTO....

In a mixing bowl..Ilagay natin ang 4 cups na cassava na inad ad... tabi muna natin ito..
       Sa bukod na bowl,paghaluin natin ang coconut milk ...condensed milk at macapuno...


Paghaluing Mabuti....At isalin sa bowl ng cassava ..At Paghaluin den hanggang mabuo ang mala creamy na consistency ng iluluto nating cassava cake..


Kapag halo na ang mga sangkap...Ihanda ang paglulutuan ng cassava..
Gagamit tayo ng bilog na tray na lalagyan natin ito ng sapin ,dahon saging ang gagamitin natin dito..kung wala pwde siguro ang aluminum paper..although i don't use it if possible..anyway,
Ibuhos natin ang tamang dami ng hinalong cassava sa tray...at isasalang natin ito sa steamer..

Alug alugin para magpantay ang lulutuin nating cassava...
Takpan ng cheese cloth ,katya o dahon ng saging...at lutuin ng ilang minuto...

Antabayanan ng di masunog ang inyong niluluto...
Kapag matigas na o medyo luto na..Tusukin ng tinidor o toothpick to make sure na luto na ito...kung may tubig sa ibabaw.punasan at pahiran ng mga ilalagay sa toppings..
Pahiran ng tamang dami ng margarine.at budburan ng cheese..at kaunting macapuno..
Takpan ng mga 1 to 2 minutes and then luto na po....medyo matunaw lang ng kaunti ang queso okay na..



Then takpan ng mga 2 minutes....At tingnan kung natunaw na ang keso then puwede na itong hanguin to serve...

At kung di satisfied sa kulay sa ibabaw dagdagan natin ng margarine para mamula mula ang kulay ng ibabaw..


Sarap diba!...hinay lang sa pagkain ..di po ito healthy food..matamis na pagkain ito....





Enjoy po...Salamat po....

Thursday, September 12, 2013

Pinoy Chicken NUGGETS


Alam natin marami ang mahilig sa nuggets,lalo na nga ito ay gawa sa chicken,Mas gaganahan kung may french fries pa o burger..,di man ito masasabing healthy food..kung kayo ay health conscious gawa na lang tayo sa bahay ..kung may time ren lang naman.

di po iyan binili..handmade po iyan..yung box ginamit ko lang..
Simple lang ang pag gawa ng chicken nuggets...Nakapagtrabaho ako sa Factory ng ham..kaya medyo may idea ako sa pag gawa ng mga ganyang mga pagkain..ang totoong paggawa nyan ..di ko na ikukwento..Iaarange ko na lang sa aking version para makakain naman ang pamilya ko ng maayos na chicken nuggets..
yummy nuggets
Mga Sangkap...
Mga 1/2 kilo breast chicken meat ..boiled and flakes/or chopped
1 tsp salt and black pepper..adjust according to your taste
black pepper..cayenne pepper and all spice seasoning...taktakan nyo ayon sa timplang gusto nyo..
1 tsp sugar .
2 cups hotcake flour..
1 cup fresh milk or water..add as it needed..kailang di malagkit o matigas ang chicken dough

PAG HAHANDA AT PAGLULUTO...

kailangan natin ng boiled chicken flakes not raw meat..pwedeng hiwain ng maliliit 

taktakan ng all spice seasoning,black pepper at cayenne pepper..1 tsp salt at 1 tsp sugar
2 cups na hot cake flour..then haluin..

Buhusan ng 1 cup na tubig or 1 cup fresh milk...then haluin ng kamay
Lamasin sa kamay para maging siksik..kneed like adough
Magshape ng nuggets size according sa size na gusto nyo..gamitin ang palad ..
then kapag nakagawa na kayo ng nuggets shape..irerest po naten ito sa freezer ng kahit 3 to 4 hours..but pwede na ren mang iluto ng derecho..-magpainit ng mantika sa lulutuan nyong kawali..mainit sya dapat..


Kapag nilagay nyo sa freezer..tunawin ang yelo kahit 30 minutes...siguraduhing marunong kayong mag fry sa mantika..
minsan tumitilansik kase..but make sure may takip kayo..
pero dont worry kahit may yelo ang nuggets di po yang titilansik..basta takpan lang at siguraduhing ang heat ay nasa medium lang..

iprito hanggang sa maging golden brown..


tikman kung luto na ang loob..then kung okay na..hanguin..at ready to serve

you can enjoy eating it with potato fry or burger..bongga diba!

parang binili lang.ano,.anong panama ng mga fast food jan he he he..yung box ginamit ko lang..di po bili yang nuggets..gawa ko po iyan baka isipin pinikcturan ko lang yung nuggets..kaloka ha!

eto yung loob..hot pa sha...enjoy eating po..

FOR MORE FAST FOOD STYLE PERO HOMEMADE NAMAN..TRY NAMAN ITONG IBA KONG LUTO...
http://luweehshealthydietcooking.blogspot.com/search/label/Fish%20Nuggets



Pag Gawa Ng Simpleng KARYOKA

Kakanin noong panahon pa ng lolo ko..he he he...Kase naman ,bata pa ako,malimit ko na itong kainin ,ngayon di na masyado,ayoko na ..alam nyo na ,marami ng naglalabasang mga soshal o mas masasarap hahaha..at bihira na itong karyoka na mabili..

If you want to watch the video cooking tutorial ,just watch the image below..and for more details of the recipe ,just continue to scroll down..click the image below so you can see the video cooking..


Subalit may time na ,nakakamis den,kaya nga nasumpungan namin ulit ng aking mother na gumawa nito..Noong bata pa ako, malimit namin itong lutuin,simpleng sangkap lang ,may karyoka ka na..di ba!

karyoka ..



MGA SANGKAP...
Malagkit powder lang po
Kaunting tubig sa pag gawa ng dough
mantika syempre
Matamis na bao..i kakaramelays lang po sa tubig./caramelized coco jam..
At kung gusto ng patuhog ..you need bbque stick..
You can add sesame seed for special flavor..

rice malagkit flour


my handmade jam..bumili kung wala..


Paraan ng Pagluluto..

1.Sa isang mixing bow magbuhos kayo ng tamang dami ng malagkit na arina..at buhusan ng tubig ayon sa dami ng kailangan ninyong lulutuin na arina..At ang lagkit na dough na inyong  gagawen,ay para timpla lang ng bilo bilo .kailangang hindi malata o matigas..yung alam nyong mabibilog nyo sa kamay ninyo..

magbilog ayon sa laki ng gusto..like bilo bilo lang naman

2.Magbilog bilog kayo ayon sa laki ng gusto nyong karyoka balls..one bite size is okay na siguro like bilo bilo..at mas cute kung tutuhugin naten ito sa barbecue stick..

3.Kapag tapos ng pagtutuhog nyo..Dapat nakahanda na ang pagpiprituhan nyo..pa deep fry o kahit kalahati lang ng kawali ninyo..ingatan lang ng di magdikit dikit habang niluluto..

yan na,yung tuhog tuhog na karyoka

4..At sempre ingatan di masunog,medium heat okay na,antabayanan habang itoy niluluto,magingat na di mapaso ng mantika..

5..then hanguin kung sigurado na ang luto ng inyong karyoka..magtry ng isang piraso para malaman ang resulta...makunat sya loob,at malutong sa labas..

6 then sa isang lalgyan ,ihain nyo at buhusan o patuluan ng kaunting caramelized coco jam at ready to serve na..and you can sprinkle it with sesame seed too.to enjoy more flavor taste..

caramelized coco jam..

buhusan ng coco jam ang luto ng karyoka..hmmm yummy..

7 Madali lang po diba? so try nyo kapag wala kayong meryenda at simple lang ito..yun nga lang not healthy food ito,if you consume a lot of it..so inom inom ng plenty of water.mabigat po ito sa tyan so alalay lang sa mga maliit na bata..at baka di matunawaan..

butse karyoka imbento lang po


,matamis pero sulit..

.Maraming salamat po..Please try my other recipes na kakanin or meryendang Pinoy..



MORE LUTUING KAKANIN NG PINAS TRY NA..

NILUPAK ..na CASSAVA AT SAGING NA SABA..
http://luweehshealthydietcooking.blogspot.com/2013/08/pinakamadaling-paggawa-ng-nilupak.html

BIKO NA PIRURUTONG..Red Rice Cake Biko..
http://luweehshealthydietcooking.blogspot.com/search/label/Pirurutong


How About KUTSINTA WITH OUT LYE WATER..natry nyo na ba ito..
http://luweehshealthydietcooking.blogspot.com/2013/05/how-to-make-kutsinta-without-using-lye.html


ANG INYONG LINGKOD na Kusinera
                                           ,Luweehsah..

Salamat po..