Search Your Favorite Food here

Sunday, November 3, 2013

"Kalamay Antipolo" style ..

  Ang original recipe of "Kalamay Antipolo"ay hindi ko totoong alam,this is my version,
Noong bata ako malimit ko itong kainin,so sa aking pagkakaalam at panlasa ganito ang lasa ng kalamay antipolo na alam ko..masyadong makunat na kala mo naninigas,matamis na parang bukayo sa kunat,pero masarap syempre.kaya lang mas type ko yung niluto ko..

At kung pustiso ka hindi mo ito basta makakain.so gumawa ako ng verson ko ,
Na malambot na "Kalamay Antipolo".na siguradong pati bungal makakakain ito ..lol

Ang resipi na gagawin ko ay timpla ko at original ko..


Masarap ang lasa ng pag kakagawa nito..Lasang coco jam na kalamay na parang bukayo at tamang tamis malinamnam sa gata ..


For easy quick view...Watch the Video of making this Kalamay..



Ang mga Sangkap at Paghahanda..


Panutsa ( Cane Sugar /Rock type or powderized)1 cup or half kilo adjust according to your taste.
2 cups Coconut cream
2 cups Glutinous Rice

Lutuang kawali.use non sticky type
sandok na kahoy .
dahon ng saging/kung wala kahit wala ,lol
Latik na ginawa..(Coconut milk curd) for center toppings

First step..kung matigas ang panutsa,tunawin sa pamamagitan ng pagluluto kasama ng gata..
or ibabad ng ilang oras ang panutsa sa coconut milk..

Ang style ng ginawa ko ay niluto ko ng derecho sa kawali,na may 2 cups na coconut cream at isang tipak o kalahating bao ng panutsa...
if you are using cane sugar mas maganda at hindi na mahirap ang magtunaw sa kalan..



 Lutuin ito at haluin ng tamang init ng apoy upang maiwasan ang pagka sunog nito..


Resulta ng tinunaw na panutsa

At kung natunaw na ang panutsa ,itabi muna sa isang lugar ..at maghanda para sa malagkit


Sa isang mixing bowl,Paghaluin natin ang 2 cups ,coconut cream at ang 2 cups na glutinous rice...
Dahan dahan natin itong ibubuhos para di mahirapan sa pag hahalo..




Haluin ang sangkap hanggang makuha ang tamang consistency lapot..at kapag wala na ang pulbos


And then ,ibubuhos natin ito sa kawali na ating tinunaw na panutsa...at saka natin bubuksan ang apoy
hayaang maluto habang hinahalo..(30 or 40 minutes)


Haluin ito ng matigas na sandok na gawa sa kahoy..



 Hayaang mamuo ang niluluto..parang nagluluto ng halaya o bukayo ,pero ito ay malambot pa dapat sa bukayo..


 Kapag humiwalay na sa kawali ,ibig sabihin ay luto na ang kalamay..
Iwasan ang sobrang luto,baka ito ay maging bukayo..



 Tikman kung kontento sa lasa ..


Ihain sa dahon ng saging o lalagyan na tray o plato..


Hanggang ito ay mainit hiwain na para hulmahin .ayon sa sukat at laki ng gagawing kalamay..


Ilatag ang tamang laki ng kalamay sa dahon ng saging at iflat ng manipis
,gumamit ng spatula o patungan ng dahon ng saging para diinan..

Lagyan ng latik sa ibabaw para lalong masarap..



 pag patung patungin ang mga kalamay na ginawa sa dahon ng saging...


 Ayan may masarap na kayong KALAMAY ANTIPOLO..yummy..






ENJOY............

No comments:

Post a Comment