Tapsilog ay isa sa mga paborito ng mga Filipino lalo na sa agahan...isa kase syang simple at madaling lutuin..Kaning sinangag sa bawang ,may kasamang piniritong itlog at tapang Karne...malinamanam at medyo malakas kainin kung magana kang tao...
Subalit para sa aking opinion,may kulang sa pagkaing ito..yung tinatawag na balance food para sa healthy diet...mapupuna kong kunde magiging balanse ang pagkain nito ,ito ay nakakalaki ng tyan o bilbil dahil sa kanin ..at puro karne...Sa katulad kong hindi kumakain ng karne.nag imbento ako ng katulad ng TAPSILOG...ngunit walang makikitang KARNE..at hindi ka basta tataba o lalaki ang tiyan...
Mas maganda itong sabayan ng vegetable salad..o kaya hiniwang kamatis..at prutas.....para lalo maging maganda ang inyong diet....
Healthy Tapsilog |
2 cups cooked BROWN RICE..
kapirasong sliced ng Smoked Tulingan Fish..or any fresh fish....i suggest gamitin nyo yung isdang hindi durugin..kase tapa ang gagawen nyo dito..
konteng bawang..
sibuyas
toyo
paminta
vinegar /suka
honey para medyo manamis ng konte..mga 2 tsp..lang..
olive oil
at itlog...alisin nyo yung mataq o yung puti na nasa yolk bago nyo iprito ito..
Howto ...
Una ..yung isda nyo kung sariwa dapat nyo itong himayin at alisin ang tinik....at kung smoked fish..pag himayhimayin lang sa isang bowl...at magtimpla ng ng suka,bawang sibuyas,paminta at toyo....at isama ang ang isdang hinimay at lamasin o haluin ng tinidor...
At mag painit ng kawali sa 1 tsp na oliveoil..i luto ang timpladong isda...haluin at lutuin.....Ang pag luluto ng tapang isda ay ..kailangang matuyo ang isda at mawala ang katas o yung matubig sa isda,hanggang sya ay matuyo na parang tapa...kapag naluto nyo na ng ganoon.,.itabi muna ito at magluluto naman ng itlog at sinangag..
Iprito ang itlog sa konteng olive oil...itabi ito...
maginit ulit ng mantika at ibusa ang ginayat na bawang hanggang maging golden brown..hindi nyo ito kailangang sunugin..at kapag medyo okay na yung ginisa nyong bawang ..isahog nyo na ang inyong kanin..
isangag sya sa bawang haluin ng ilang sandali at luto na....no need to put salt or vetsin or anything...make it simple and healthy...
and then ihanda na sa plato at iayos na kasama ang tapang isda at pritong itlog....At mayroon na kayong FISH TAPSILOG...healthy na masarap pa...nakamura pa kayo..lutuan nyo ang kid nyo o ang pamilya nyo..enjoy eating ...~.^
FOR MORE INFORMATION>>WATCH MY VIDEO COOKING TUTORIAL>>>Click the image below..
~.^....BURF BURF..............
No comments:
Post a Comment