Search Your Favorite Food here

Friday, December 21, 2012

Ginataang Halo Halo

Haru mga pipol...December na at malamig na ang gabi...Lalo na dito sa japan ..brrr ang lamig...kailangan mag babad sa hot bath tub kung maliligo..dahil maginaw umahon galing sa bath room...after maligo sarap kumain ng kakaning tagalog...like ginataang bilo bilo o halo halo...mainit man o galing ref ay naku da best yan pag ganitong tag lamig dito..namimis ko..

So heto nasumpungan ko magluto,actually may ilang weeks ko na itong ginawa ngayon ko lang naisulat sa blog ko..nawawala kase yung mga photos ..lol

yummy and more healthier than other ginataan..
ginataang halo halo ..


Anyway eto na po yung style ng ginataang halo halo ko..as always pinakialaman ko uli ang sangkap..

These are the ingredients na ginamit ko..


langka..fresh or in canned

kamoteng ube..or ube yam

bilo bilo...malagkit ..i used japanese mochi

sago or tapioca

Lutuin nyo na ng bukod ang sago kahit pa half cook.,..dahil matagal itong maluto kung nakahalo na sa gata..

ilaga ang sago..ng bukod..

coconut milk

i used honey...or sugar sa di maarte sa diet..

ordinary kamote

saging na saba..

At syempre ..you need kasirola...pakuluan with 3 cups of water depende sa dami ng gusto nyong sabaw o lulutuin..


ilagay ang kamote ..then yung sago..

haluin 

isunod ang ube...

saging na saba ..pakuluan at takpan ng ilang minuto...

kapag kumulo ng isang kulo..ibuhos ang gata..

haluin sa mahinang apoy para di masunog..

ihulog ang malagkit o bilo bilo..ingatang di madurog sya....yung ginawa ko halos natunaw kase....japanese mochi kase yung ginamit ko ...medyo di ko naalalayan yung luto..nalusaw ng konte pero yummy pa ren sya..yun lang poh..

timplahan ng matamis...i/2 cup of honey or 1 cup sugar..

dumurog ng konteng ube..para magkulay ube ang mixture ng gata..

kapag alam nyong halos luto na..ihulog ang ilang piraso ng hiniwang langka at haluin...

hayaang maluto pa ng konte at tikman ang lasa at lambot..then kung ok na sa inyo..luto na sya...

ilipat sa isang lalagyan na gusto nyong ilagay

ayan ang sarap ng ginataang halo halo


yummmy...so enjoy the food...



more details for this recipe...please watch the video making of this resipi..
click the image below ...mapapanood nyo na ang video nito...


Enjoy and see yah....happy December poh....

No comments:

Post a Comment