Bata pa ako ito ay isa sa mga paborito kong kainin,lalo na ngat maanghang ang sukang sawsawan..Yun nga lang dahil ito ay lublob sa mantika ay hindi maganda sa katawan ,kung ang gagawen ninyong kain ay hindi nyo kokontrolin o hindi gagamitan ng maayos na mantika...at dahil sa tagal ng panahon ko sa pagbabasa ng mga masustansya at di masustansyang sangkap na kinakain ng tao,ay marami akong napagalaman at syang aking napatunayan...so ngayon ako ay isa ng 90 percent vegan..ako ay hindi na katulad noong bata na kahit ano na lang ay kinakain,may halos sampung taon na akong hindi kumakain ng laman ng hayup..so ang lumpiang togue ko ay walang giniling na baboy o karne na katulad na ginagawa ng karamihan..
not only yummy but healthy..lumpiang malutong na gulay
Ang mga sangkap na aking ginamit aya ang mga sumusunod...para lang ito sa 3 katao.
lumpia wrapper..ayon sa dami ng inyong pakakainin..
Konteng hiniwang kamote
isang basong togue or bahala na kayo sa lulutuin nyong dami
konteng hiniwang carrots
hiniwang repolyo
bitsuelas or green beans
konteng bawang at sibuyas para sa paggigisa..
hiniwang tokwa
hinimay na sariwang hipon ,hiwain o kahit hindi na hiwain..
asin at paminta...toyo, kung gustong maglagay
olive oil ...
some pinch of of fish broth /optional
hiniwang gulay para sa malutong na lumpia
ihanda ang mga sangkap...igigisa ko sya bago ko balutin
simulan nyo sa tokwa ..or bawang at carrots..para madaling lumambot
at isa isahin nyong ihulog ayun na ren kung paano kayo maggisa...lagyan ng konteng tubig ,wag lang mashadong lulutuin ang gulay.
palamigin ng konte ang ginisang gulay,para kung inyo itong ibalot sa lumpia wrapper at hindi kayo mainitan..
continue lang ng pagbabalot at lagyan lamang ng sapat na dami ng hindi ito lumuwa habang piniprito..
pwede nyo itong i deep fry ,subalit ang style ko ay hindi,kaunti lamang na mantika ang pag piprito ko /i used olive oil...
at kapag sya ay mukha ng malutong at golden brown,hanguin at ready to serve na..
at gumawa ng sauce ...with vinegar,sili .i used cayenne peper,paminta ,toyo,onion.patis at anything na gusto nyong ihalo sa sawsawan nyo...
my konte syang cilantro para sa or celery green ,spicy sauce yummy
okay na okay sa meryenda kahit walang rice gustong gusto namin ng anak ko ito..
yummy and healthy
sarap ng lumpiang togue ...
hindi ba kayo ginutom ..try na para sa inyong putahe
if you want to watch the video ..watch the image below and just click...
enjoy eating...but always keep watching how much calories you are consuming...babushhh mga kabayan...
Ukoy is similar to Japanese Tempura or Okonomiyaki...pinagkaiba lang ang sarsa o sauce...
Ang tempura bihira o hindi mo makikitang nilalagyan ng toge...dahil siguro matubig ang toge...
at sa okonomiyaki naman pwede ang toge kaso walang carrots ..subalit kahit ano namang gulay ay pwedeng paghalu haluin ,bastat alam nyong bagay sa timpla at panlasa nyo..
Ngayong araw na ito,ipapakita ko sa inyo kung paano ako gumawa ng ukoy...para na ren sa mga anak kong hapon ,medyo may dinagdag akong sangkap at para na ren mas masustansya ...
crispy yummy ukoy
my version of ukoy..
Narito ngayon ang mga sangkap na aking ginamit..
Mga 1 dakot na hiniwang hipon..kahit yung malilit basta fresh ..balat na sya
thin sliced of carrots
konteng togue
bitsuelas/optional
you can add patatas or kamote ..para sa bata ,request ng kid ko..thin sliced syempre
at konteng green bell pepper ..yung hindi maanghang /optional den
at para mas okay ..nilagyan ko ren ng onion..thin sliced den
at donnot forget the flour with baking powder mix and bit salt..pero ako i used Tempura mix powder ng Japan...
1 egg..native mas better..yung brown ..
1 cup o konteng tubig...depends sa dami ng gulay na ihahalo nyo sa ukoy nyo......dapat medyo parang pancake lang ang timpla ng mixture nyo..
importante ang maraming gulay kaysa puro karne ng hayop
hipon lang ang sangkap na inihalo ko sa 6 na klase ng gulay para dsa ukoy recipes ko..
howto...
Sa inyong mixing bowl...ibuhos nyo muna ang 1 cup of arina or tempura powder,,,then add some water ,add the egg,you can give a little salt or black pepper na ren ...combine and mix together...
then isa isahin nyong ihulog ang mga sangkap ayon na ren sa inyong mga gulay na ilalagay,....
Ang style ko pag katapos ko syang ihulog sa mixture at paghaluhaluin...itry nyo ilagay muna sa ref ng atlis 1 hour ..then saka nyo i deep fry o iprito ng parang pa pan cake..use healthy oil like olive oil,grape seed oil..well,mga oil user, nasa sa inyo nakasalalay ang kinakain ng pamilya nyo at pati ng inyong kalusugan..lalo na sa mga figure conscious like me...
If you want to watch my video on how i make the lutong ukoy..please click the image below...at mapapanood nyo ang video ng aking paggawa ng ng ukoy...i am not a professional in cooking but i have my own way of cooking techniques for the sake of healthiness ..
Haru mga pipol...December na at malamig na ang gabi...Lalo na dito sa japan ..brrr ang lamig...kailangan mag babad sa hot bath tub kung maliligo..dahil maginaw umahon galing sa bath room...after maligo sarap kumain ng kakaning tagalog...like ginataang bilo bilo o halo halo...mainit man o galing ref ay naku da best yan pag ganitong tag lamig dito..namimis ko..
So heto nasumpungan ko magluto,actually may ilang weeks ko na itong ginawa ngayon ko lang naisulat sa blog ko..nawawala kase yung mga photos ..lol
yummy and more healthier than other ginataan..
ginataang halo halo ..
Anyway eto na po yung style ng ginataang halo halo ko..as always pinakialaman ko uli ang sangkap..
These are the ingredients na ginamit ko..
langka..fresh or in canned
kamoteng ube..or ube yam
bilo bilo...malagkit ..i used japanese mochi
sago or tapioca
Lutuin nyo na ng bukod ang sago kahit pa half cook.,..dahil matagal itong maluto kung nakahalo na sa gata..
ilaga ang sago..ng bukod..
coconut milk
i used honey...or sugar sa di maarte sa diet..
ordinary kamote
saging na saba..
At syempre ..you need kasirola...pakuluan with 3 cups of water depende sa dami ng gusto nyong sabaw o lulutuin..
ilagay ang kamote ..then yung sago..
haluin
isunod ang ube...
saging na saba ..pakuluan at takpan ng ilang minuto...
kapag kumulo ng isang kulo..ibuhos ang gata..
haluin sa mahinang apoy para di masunog..
ihulog ang malagkit o bilo bilo..ingatang di madurog sya....yung ginawa ko halos natunaw kase....japanese mochi kase yung ginamit ko ...medyo di ko naalalayan yung luto..nalusaw ng konte pero yummy pa ren sya..yun lang poh..
timplahan ng matamis...i/2 cup of honey or 1 cup sugar..
dumurog ng konteng ube..para magkulay ube ang mixture ng gata..
kapag alam nyong halos luto na..ihulog ang ilang piraso ng hiniwang langka at haluin...
hayaang maluto pa ng konte at tikman ang lasa at lambot..then kung ok na sa inyo..luto na sya...
ilipat sa isang lalagyan na gusto nyong ilagay
ayan ang sarap ng ginataang halo halo
yummmy...so enjoy the food...
more details for this recipe...please watch the video making of this resipi..
click the image below ...mapapanood nyo na ang video nito...
Haru mga pipol...musta na mga kabayan ....December na.nakakamiss ang Pinas ano ..Syempre yung mga nasa abroad ang tinutukoy ko..lalo na yung mga OFW na iniwan ang mga kids at asawa..
At yung mga nakapag asawa sa ibang bansa ..i mean di pinoy o pinay na asawa...
Nakakamiss ang Pamilya pag araw ng December...lalo na yung mga kakanin sa simbang gabi...
you know what i mean..ang Puto bumbong at bibingka..with avocado tea pa awww...kaloka...
i love the avocado tea ..nakaka 5 baso ako ha ha ha...mahina ako sa kakanin pero tumitikim ako mga 2 slice lang okay na..lol
but now dahil namis ko ang puto bumbong...wala naman mabilhan o mahingan para makatikim....
meron man .honestly di ako basta kumakain ..medyo maarte sensha na...
anyway..dahil maarte ren lang ako...ako na ang nageffort magluto ng puto bumbong..in my own diskarte way of cooking..with out the bumbong shape steamer ....hirap gawen non at wala dito...just use your creativities..at makakagawa ka ng lasang puto bumbong talaga...
yummy healthy pa
my home made puto bumbong...
okay..lets start na..
The ingredients i used are..
2 medium size of Sweet Purple potato...if wala use powdered ube yam.
1/2 cup of Honey..or 1 cup sugar kung di naman kayo maselan sa Diet nyo
2 cup Rice malagkit..powdered ha
1 cup of coconut milk..fresh or in canned..
grated coconut fresh or dried
durog na panutsa ..
durog na peanuts...roasted nma sya syempre..optional na to..type ko lang para more protein addition to my diet
at syempre dahon ng saging
,,,you need some cloth yung ginagamit sa pag gawa ng shopao..i mean yung cheese cloth
....steamer syempre...yan yun gagamitin naten to steam the bumbong ube
rice malagit
dahon ng saging
coconut milk
panutsa...
grated coconut
durog na mane...optional..
ube kamote or powdered ube..
at importante STEAMER...at yung cheese cloth..pede wala ren...basta madami ng dahon ng saging...Ayus ba?
HOW TO COOK NAMAN....
Unahin po natin ilaga ang kamote at balatan then durugin ng pino...maghanda sa mixing bowl ng 1 cup rice malgkit powder at buhusan ng i cup of coconut milk or 1/2 cup depende sa tigas o lambot ng lulutuin nyo
then ibuhos o ihalo ang ube na dinurog nyo...haluin mabuti..na parang lang gumagawa kayo ng dough\
kung pwede kamayin nyo ang paghalo na parang nagmamasa kayo ng bread dough...di po sha kailangan naninikit sa kamay....so yung coconut milk tantchahin nyo ang dami...ang ube is malagkit na ren so...no need to put water or baking powder at kahit sugar...
kapag namasa nyo na ang ube puto nyo...ihanda ang dahon ng saging....pinainit ko sya ng ilang saglit sa microwave..or painitin nyo sa apoy....para lumambot kapag magbabalot na ng ube...like suman style
at pahiran nyo pala ng oil or coconut oil ang bawat dahon...if wala kahit wala...bahala na kayo..style ko to kase..
at ayan...humulma kayo ng korteng puto bumbong na ube dough nyo.at gawen lahat ng lulutuin nyo....like playing clay lang naman..wrap and ihanda and steamer with tubig 3 cups muna...at yung dahon ng saging ilatag sa upper ng steamer nyo.,sa ilalim tubig syempre ......yung pinaka sapin na lalagyan nyo ng suman ube nyo..pwde ren cheese cloth...depende sa typ nyo...
at ayan isalansan isa isa yung ube na binalot na pasuman ....at i luto ng 20 to 30 minutes...tingnan tingnan nyo ren yung resulta baka sumobra yung pag steam eh maging malabsa..
tinikman ko ren kung luto na sya ..so..if feel nyo okay na ..hanguin at patayin na ang apoy...
at hayan...alisin isa isa sa pagkabalot ...ilatag sa dahon ng saging na may pinahid na coconut oil..or butter sa di nag dadayet...
wow puto bumbong talaga diba?
lagyan ng mga typ nyong budbod...like durog na panutsa, niyog, konteng durog na mani..typ ko lang...
and then kung mahilig maglagay ng margarine go lang ...ako di pwede sa diet ko...medyo istrikto ang diet style ko..so wala po ko mga ganyan..
and now enjoy the Puto Bumbong kahit nasa ibang bansa ka...mamiss mo man ang Pilipinas..ma feel mo man lang ang Spirit ng December..happy na ren...
HOPE YOU LIKE MY PUTO BUMBONG cooking style...
If you want to watch more about my puto bumbong making ..watch my video...please click the image below at mageenjoy kayo sa pagluluto ko ng puto bumbong..
Enjoy and Happy December na po...and malapit ng new year of 2013...