Search Your Favorite Food here

Saturday, June 30, 2012

Fish "TAPSILOG"


Tapsilog ay isa sa mga paborito ng mga Filipino lalo na sa agahan...isa kase syang simple at madaling lutuin..Kaning sinangag sa bawang ,may kasamang piniritong itlog at tapang  Karne...malinamanam at medyo malakas kainin kung magana kang tao...

Subalit para sa aking opinion,may kulang sa pagkaing ito..yung tinatawag na balance food para sa healthy diet...mapupuna kong kunde magiging balanse ang pagkain nito ,ito ay nakakalaki ng tyan o bilbil dahil sa kanin ..at puro karne...Sa katulad kong hindi kumakain ng karne.nag imbento ako ng katulad ng TAPSILOG...ngunit walang makikitang KARNE..at hindi ka basta tataba o lalaki ang tiyan...

Mas maganda itong sabayan ng vegetable salad..o kaya hiniwang kamatis..at prutas.....para lalo maging maganda ang inyong diet....
Healthy Tapsilog

Mga sangkap na gagamitin sa pag gawa ng fish tapsilog ay ang mga sumusunod....ang recipe ko ang for 2 person lang po...

2 cups cooked BROWN RICE..
kapirasong sliced ng Smoked Tulingan Fish..or any fresh fish....i suggest gamitin nyo yung isdang hindi durugin..kase tapa ang gagawen nyo dito..
konteng bawang..
sibuyas
toyo
paminta
vinegar /suka
honey para medyo manamis ng konte..mga 2 tsp..lang..
olive oil
at itlog...alisin nyo yung mataq o yung puti na nasa yolk bago nyo iprito ito..

Howto ...

Una ..yung isda nyo kung sariwa dapat nyo itong himayin at alisin ang tinik....at kung smoked fish..pag himayhimayin lang sa isang bowl...at magtimpla ng ng suka,bawang sibuyas,paminta at toyo....at isama ang ang isdang hinimay at lamasin o haluin ng tinidor...

At mag painit ng kawali sa 1 tsp na oliveoil..i luto ang timpladong isda...haluin at lutuin.....Ang pag luluto ng tapang isda ay ..kailangang matuyo ang isda at mawala ang katas o yung matubig sa isda,hanggang sya ay matuyo na parang tapa...kapag naluto nyo na ng ganoon.,.itabi muna ito at magluluto naman ng itlog at sinangag..

Iprito ang itlog sa konteng olive oil...itabi ito...
maginit ulit ng mantika at ibusa ang ginayat na bawang hanggang maging golden brown..hindi nyo ito kailangang sunugin..at kapag medyo okay na yung ginisa nyong bawang ..isahog nyo na ang inyong kanin..
isangag sya sa bawang haluin ng ilang sandali at luto na....no need to put salt or vetsin or anything...make it simple and healthy...

and then ihanda na sa plato at iayos na kasama ang tapang isda at pritong itlog....At mayroon na kayong FISH TAPSILOG...healthy na masarap pa...nakamura pa kayo..lutuan nyo ang kid nyo o ang pamilya nyo..enjoy eating ...~.^


FOR MORE INFORMATION>>WATCH MY VIDEO COOKING TUTORIAL>>>Click the image below..


~.^....BURF BURF..............

Ginataang Ampalaya

Ampalaya ,bittergourd o bitter melon sa ingles..it is a tropical fruit lalo ,hindi lang sa bansa naten makikita ito.sa Vietnam,sa Okinawa ,Japan..basta sa lugar na may summer ang klima..
..Ang ampalaya ang isa sa pinaka mapait na gulay o prutas ...mapait subalit masustansya...gamot sa mga kulang sa dugo..diabetis ..at kung ano pang naitutulong ng ampalaya sa kalusugan ng tao..tinatawag den itong  isang Herbal Medicine
  Bukod sa bunga ,pati ang dahon ay naigugulay sahog sa mga putahe..tulad ng ginisang monggo..,

Ngayon dahil nakakamis ang lutong ampalaya....sinubukan ko namang igata sya ng walang kasamang gulay...
bagay na bay ang pait sa malacreamy na timpla ng coconut oil..



yummy and healthy




Mga sangkap ....ito ay para sa 2 katao ....
1/2 of ampalaya..cut in small pieces bite size
ilang pirasong hipon...3 o apat pwede na
i small size of red onion.
1 tamang laki lang ng kamatis
3 pirasong bawang
kapirasong luya..
half cup of coconut milk
paminta at cayenne pepper
3/4 cup of clean water

no salt no instant flavor enhancer.......

How to cook..........
Syempre hihiwain nyo ang ampalaya ng hiwang panggisa na ginagawa naten sa pagluluto ng Pinakbet..At kapag nagayat nyo na ang mga sangkap tulad ng sibuyas luya kamates at bawang..

Magpapainit ng kawali sa konteng olive oil..igigisa nyo ang bawang ,kasunod ang luya...at haluin ng ilang beses isasama nyo na ang sibuyas...kasunod ng kamates..lutuin ng ilang sandali ang mga ito...pag sa tantya na okay na...isasahog nyo na ang hiniwang Ampalaya...igisang mabuti ito..takman ng ilang minuto,at pwde nyo na reng isama ang hipon habang pinapalambot ang gulay...then takpan at mag istambay lang..

Ngayon kapag sinilip na ang niluluto at medyo nasa half cook na yung ulay,titimplahan na ng coconut milk...at haluing syang mabuti...pwedeng lagyang tubig ,nilagay ko rito siguro nasa 1/4 cup lang...dahil kakaunti lang naman ang ampalaya kong ginamit..1/2 lang ng isang buong ampalaya..para sa isa o 2 kataong kakain..tantyahin nyo na lang kung gaano kadami ang niluluto nyo..at timplahan ng paminta at cayenne pepper..pwede kayong mag asin ,subalit iwasan nateng gumamit ng mga instant mix o yung food flavor enhancer..MSG o yung vetsin ay hindi po maganda sa kalusugan...

At pwede nyo na syang iserve kung luto na........enjoy your meal ~.^

For more details para sa pagluluto..watch full episode sa video below..


...





Tuesday, June 26, 2012

Lumpiang Sariwa

ang lumpia ko ay ginamitan ko ng oatmeal  made wrapper ..

A healthy Pinoy Recipe..nakakamiss ang mga ganitong pagkain..nakakatikim lang ako nito noon kung magluluto ang nanay ko..hindi ako basta kumakain ng luto ng iba sa dahilang hindi po ako kumakain ng giniling ng baboy o ng karne..medyo maselan den ako sa pagkain...

So ,kung kaya ren lang magluto at may iluluto..mas mabuti pang gumawa ka na lang ng sarili mong kakainin..mas healthy pa dahil makikita mo ang mga sangkap na iyong ilalagay..pwedeng dagdagan ,pwedeng baguhin at pwede namang alisin ang hindi mo gustong isama sa lulutuin mo..


Paano ako Gumawa ng Lumpiang Sariwa...
Mga sangkap na aking isasahog sa Ginisang Gulay ay mga sumusunod......

Cabbage..sweet potato o Kamote...garlic..red onion...cauliflower ..carrots..chinese parseley ,shrimps, bean curd o tokwa, sprout o toge,fresh lettuce,green beans...lahat cut syempre into small pieces..like the pictures below..

How to Cook..
Initin ang kawali..at lagyan ng tamang dami ng mantika...gumamit ng healthy oil like olive oil..if you`re serious in your diet...then ilagay ang garlic..pag medyo brown na add the onion and cook together...tapos ilagay ang matigas na gulay ...ang carrots at kamote..lutuin ng konte...medyo half cook..then isahog nyo na ang green beans at cauiliflower..haluin muna sya ng ilang saglit...at pweden ng isabay ang repolyo at takpan...
  At kapag medyo maluluto na..ihalo ang chopped parseley..para mabango ang gulay...Haluin lang mabuti...

Alam nyo ba ang chinese parseley ay ang Cilantro...ang cilantro ay maganda sa katawan dahil sya yung nag reremove ng mga metals at mercury sa katawan naten..alam naten ito ay mga mga chemical toxin sa katawan..so maganda ang cilantro sa pag lilinis ng mga chemicals sa body..

At ang Hipon at Tokwa ang bukod kong niluluto...dahil ang tokwa ayokong mging malabsang kasama ng gulay..nasa sa inyo ano ang style nyo sa pagluluto...ang hipon bukod ko reng niluluto..may hindi kase kumakain ng hipon o allergy..so makakapili ng ilalagay sa pagbabalot ng lumpia..

Pati ang Toge ay bukod kong niluluto..pwedeng banlian lang ng mainit na tubig o iinit sa oven range kung mayroon...or igisa ng bukod..medyo matrabaho nga lang...matubig ang toge kung ihahalo sa gulay hindi ko gustong  matubig ang ginisang kong gulay..
Pwedeng di naman lagyan ng toge ang Lumpia ,kaso ako at ang kid ko mahilig sa toge..so ganoon na nga...it is according to our taste...




Sauce ...
1 cup mineral water,3 tbspn of Honey..Don`t add refine sugar if you`re serious on your Diet at may diabetis..cut white sugar to your diet..
chopped garlic at puting sesame seed..para sa budbod sa lumpia..
at para sa mahilig sa spicy ..i use Cayenne Pepper all the time..

See some Photos below..



healthy Vegetables recipe for your diet..











medyo malambot sya na haweg ng buritto wrapper..pwede namang nipisan para crysp..







video making here........



Enjoy your meal...................CHIBUGAN NA ~.^

Tuesday, June 19, 2012

Adobong Cauliflower

Mahilig ka ba sa adobo?,lalo na nga at baboy o manok?...Ako mahilig den, kaso sa mga gulay...Alam ko ,na ang malimit gawing adobo ng mga pinoy ay Kangkong o ang sitaw o di kaya naman ay kalabasa ..eh paano kung bukod doon ay adobohin naman naten ang medyo kakaibang gulay...next time nga masubukan ang lahat ng gulay he he he..

Ginawa ko ito dahil mahilig nga ako sa gulay...at mahilig den akong mag imbento kahit saan at ano mang bagay...Sinilip ko ang ref. ko at nakita ko ang mga gulay may mushroom .ampalaya,green beans,repolyo at cauli flower...
Nahipo ko ang cauli flower..Usually ang ginagawa ko ay salad o kaya soup..hmm...nakatuwaan ko lang ito ..sabi ko experimentuhin ko kaya itong iadobo...

But believe it or not....it`s really have good results and the taste was so good and everybody would love it..promise ..~.^Cauliflower is one of the healthiest veggies...kaanib sya ng repolyo at broccoli .taglay nito ang panlaban sa Cancer..tamang tama sa mga health conscious..

The problem is ..hindi ko akalain maganda at masarap pala ito..hindi ko nagawang maivideo o makuhanan ng picture ng maayos..
But anyway..i took some shot of it...enjoy ..~.^


Syempre ang mga sangkap ay yung mga pang Adobo..
I used Apple vinegar.
Black pepper
I used Cayenne pepper..very healthy kase sya..
Cauli Flower
Garlic
Soy sauce
Some water..
A tbsp. of olive oil..
I put some Basil ...optional..naman ito...
Ang proseso is as always na ginagawa naten sa pag aadobo pwedeng may sabaw o wala...



adobong cauliflower medyo crispy kaya masarap lalo

taste good talaga

No need to eat meat...Hindi kase ko nakain ng mga laman ng hayop ..for healthy reason and for animal concern na ren..
NAUBOS kong lahat ito...actually it was my Dinner lolz..and with hot green tea...solve na solve ako...try nyo..~.^

video making soon...

Friday, June 15, 2012

Oatmeal Champorado

Another oatmeal diet recipe...magandang kainin sa breakfast o kaya meryenda...
Ang gagamiting mga sangkap ay oatmeal at pure cocoa lamang...at pure honey.ito ay walang gatas at anomang asukal........para sa seryosong nag da Diet at mga concern sa kanilang kalusugan...Mas mabuti po nating iwasan ang pag gamit ng puting asukal...

At para na ren sa mahilig sa chocolate at mga desserts , Napakaganda nitong meryenda para sa gustong kumain ng matamis na hindi nakakataba....at iwas sa sakit na Dyabetis...

Oatmeal is high in fiber ,good for the heart.....one of the food para sa may constipation problem o yung mga hindi maDume ng maayos...imbes na kanin o malagkit ang gamitin nyo sa champorado nyo...mas maganda po na ang oatmeal ang gamitin ninyo..mas masarap ,mas masustansya at good for healthy Diet...


Mga Sangkap ay ang mga sumusunod..
2 cups of plain Oatmeal...
2 cups clean Water
2 tbsp of Honey
2 tbsp of pure Cocoa..{choose no added flavor Mix.}.just plain Cocoa..100 %..


healthy Diet ..oatmeal breakfast

How to make video....


Some Photos ...of making Champorado Oatmeal...





use plain oatmeal...no added flavor