Search Your Favorite Food here

Saturday, July 21, 2012

Healthy Cassava Suman o Sumang kamoteng Kahoy..

Healthy ito kase walang asukal...maganda sa Diet at mga nagiingat sa sakit na Diabetis...magastos na sangkap ito pero mas mura sa gamot sa hospital joke..lolz

Sa lugar ko sa Cavite..tinatawag itong Sumang Balinghoy..at hindi ko po alam kung bakit.marami ang hindi nakakaunawa ng salitang ito kapag ito ay nabibigkas ko..kaloka talaga...




Isa itong paborito ko noong ako ay bata pa...bilib ako sa gumagawa nito...ang totoo hindi ko kase alam kung ano at paano ito gingawa..ang alam ko lang masarap...
Nang ako ay lumaki na..napunta ng ibang bansa natuto ng maraming bagay..nakatikim ng ibat ibang lasa..nakahipo ng computer at higit sa lahat naging conscious ako sa bawat kinakain ko...

Natuto na kong gumawa ng sarili kong kakainin o recipes ko..
At dahil marunong nga akong magluto na...marami o karamihan sa putaheng niluluto ko ay mga version ko na...ginagawa ko itong mas more healthier at hindi masyadong mataas sa calorie o masyadong matatamis..

Ang suman ko ay walang asukal ulit..as always kung makikita ng lahat ng recipes ko..i never use refine sugar..
puro sya HONEY...medyo mahal ...kaso kung may pambili lang naman..bakit kailangang itipid kung para sa kalusugan naman..di naman ito bisyo..

Mga sangkap na ginamit ko..
mga 100 g. na powdered cassava...dahil wala ritong fresh..
1 cup grated dried niyog..
5 tbsp of pure acasia honey..or any honey...sugar sa gusto ng sugar..mga 1/2 cup siguro..
1/2 cup ng coconut milk..kase tuyot ang mga sangkap ko..
DAHON NG SAGING...

dried niyog

acasia pure honey

powdered cassava


Pwede kayong mag lagay ng Latik o langka o keso..for special ...

..Paghaluhaluin lang naman ang sangkap at hanggang maging isa syang masa o yung dough ..

Dahon ng saging..bago  mag bilot ng suman...initin nyo ito sa kalan....para lumabot ng konte...
ang ginawa ko ay ininit ko sa MICROWAVE OVEN...

..at pwede na magsimula ng pag babalot...
kapag nabalot ng lahat...sa isang malalim na kawali...ang natirang dahon ng saging ay ilagay sa loob ng kaldero...isalansan isa isa ang suman..alternate arrangement...at punuuin ito ng tubig...at takpan...at hayaang maluto at kumulo...

checkin paminsan minsan..at antaying maluto..
ganun lang naman...at kung luto na..ready to eat na..

For more details..watch my video making tutorial ng suman...
click the image below...
ENJOY YOUR MERYENDA....

Maja de Ube aka Halaya

Ang kakaning ginawa ko this time is ube......Di ko masabi ito ay kalamay..dahil di naman pino yung pagkagawa ...pwede reng halaya kaso di purong ube...Timplang maja ube na medyo halaya ang lasa .

Anyway kahit ano pa ito..lasa itong ube at masarap....hindi lang masarap kontrolado ko ang tamis nito...
kung kayo ang gagawa ang lahat ng lutuin ay pwede nyong ibahin ang sangkap na di naman mag iiba ang timpla o lasa..para lang ito sa mga Health conscious na tao...
  Yung di naman worried sa health o figure o kaya weight nila...
pwede yung gawen ang original recipe..dahil ako ang kakain nito ..kailangan kong baguhin ang ilang sangkap..


kakaning walang refine sugar..



Mga ginamit kong sangkap...
2 cups coconut milk.......or 1/2 cup condensed for the original recipes..di nga lang ako gumagamit nito..puno kase ng asukal...
1 cup skim milk...diluted in hot water..
4 tbsp of Pure Acasia Honey......Or 1/2 cup  Sugar  for the original recipes..
some grated coconut..dried and toasted..
1/2 ube powder..


FOR MORE  DETAILS>>WATCH THE VIDEO MAKING OF UBE RECIPES..
click the image below...to watch the complete cooking..
enjoy...


pagluluto is..like halayang ube na haweg sa pag gawa ng maja blanca...

Japanese Gyoza...{Dumplings}

Ang gyoza ay nagmula daw sa bansang Tsina...na kumalat sa buong mundo..naiba ang timpla ayon na ren sa ng mga panlasa ng bawat tao sa bansa...
nadelete ko yata ang mga pictures.
watch some of the image in my video..


Ang Gyoza na ginawa ko ngayon ay tinimpla ko at medyo iniba ang ibang sangkap..na di nababago ang lasa...inalis ko lang naman ang baboy at taba..MSG or instant mix na food flavor enhancer...o vetsin kung tawagin...


Mga Sangkap na ginamit ko..Resipi ko ang pang Tatlong Kataong meal..
Hipon..tadtarin..
gyoza wrapper....................pwedeng gumawa at pwedeng bumili para mas mabilis..
1/2 cup na chopped cabbaged.
1/2 cup  chopped na Nira............ito ay isang uri ng gulay sa Japan na amoy mapait na parang bawang o          sibuyas..sa una sigurong di magugustuhan ng sino...but its optional kase..you can use Green onion...
mga isang tbsp ng Garlic..chopped
1 tbsp na ginger juice or  chopped ginger
black pepper and salt or soysauce to taste
sesame oil..


...howto...
lamasin sa asin ang tinadtad na repolyo kasama ng nira o green onion....alisin ang katas o tubig ng gulay..pigain ito gamit ang kamay...

kapag ito ay nagawa na...sa isang bowl..pagsama samahin ang sangkap ..haluin o lamasan ng kamay na malinis...
repolyo..green onion...ginger juice..garlic..shrimps...paminta..soysauce..sesame oil...

kapag nahalo na ang palaman...ihanda ang ang wrapper at bilutin...
lagyan ng tamang dami o isang kutsarita ang wrapper at bilutin ng may flits ang gilid ng gyouza...

To make it easy...watch my video tutorial of how i make gyouza...
click the image below ..at makikita mo ang pagluluto...

e
ENJOY COOKING....

Friday, July 20, 2012

Bangus SISIG..

Basta Bangus..Kahit anong luto pwede...
At kung ako pipili isda o baboy karne o manok...

Isda syempre ...Bangus ang gusto ko...

tikman nyo itong niluto kong sisig bangus....
mas masarap at healthy pa sa laman ng baboy manok at baka..



PAG GAWA ng Bangus Sisig..Click the image below...The Video Tutorial...


enjoyyy....

Daing na Bangus

Ang bangus ay pambansang isda... Filipinos one of  favorite recipes kapag sinabing pagkaing Pinoy..hindi ito mawawala..Pinoy pride basta ang Bangus ang ihahain...ewan ko na lang ang Filipinong hindi gusto ang lutong Bangus....

Mapa sinigang..paksiw,relyeno.sisig....Prito At syempre ang daing na bangus.....Iyan ang aking ginawa ngayon...
medyo matrabaho pero sulit naman....kaysa sa mga mamantika dyan eh dito na ako...



Ang pag gawa ng daing na bangus...ang bibihira ang hindi siguro marunong...ako ay mahilig kumain nito pero ang mag biyak ng bangus ay first time...panoorin nyo ang video ko sa paggawa nito pati ang pagtitimpla....

Just click the image below.. makikita nyo ang video making of daing na bangus...

VIDEO OF DAING NA BANGUS MAKING......





ANG DAING NA BANGUS..vow..




Add caption

Tuesday, July 10, 2012

Pancit Bihon

Pancit bihon is Filipinos all time favorite meal mapa handaan o ano mang ocassion..hindi ito nawawala...
Ang bihon ay gawa sa rice so ..mabigat ito sa tyan...kaya kung kakain ng pancit bihon...sisiguraduhin nyong alam nyo ang dami ng kinakain nyo...llo na ngat hindi kayo ang nagluto..usually ang sahog ng pancit bihon ay may baboy o atay ..minsan naman manok...



Sa katulad kong hindi kumakain ng mga laman ng hayop..gumagawa ako ng sarli kong pancit para na ren sigurado ako sa mga sangkap ..

At hindi ren ako mahilig sa pancit..as in bihira..kaya lang minsan nakakamis ang mga ganitong pagkain siguro once a year lang ako kung tumikim nito...acctually more than 3 years na ko hindi nakakain nito..dahil gumawa ako kahapon para sa blog ko..ayun nakakain na ren ako hehehh..ang sarap ng pagkakagawa ko dahil hindi malabasa o yung matubig...

iba ang style ko sa paggawa ng pansit..ayokong nilalaga ang bihon kasama ng gulay...lahat ng sahog ay lalabsa o magtutubig...masarap at may sustansya pag yung gulay ay half lang..

Mga sangkap na ginamit ko sa pagluluto ng masarap at healthy na pancit bihon..
ay i am avoiding fatty things..

To make good Pancit ...Look for good quality of Bihon..
para sa mahilig sa meaty things ..you cann add it to your ingredients...if your health conscious add plenty of veggies instead of meat..

Bihon..
Cabbage ..
carrots
green beans
onion,garlic..
2 tbsp of soy sauce mix with 2 tbsp of water..
few drops of nampra or patis..
black pepper
lemon
shrimps
tofu..

nampra..or patis..
Tips sa pagagawa ng pancit bihon...iluto muna ang bihon bago ihalo sa mga gulay..
Ang lahat ng rice noodles ay may coated na plastic wax..(kaya matigas ang mga noodles yun ang chemicals na nag papatigas sa mga noodles )
ito ay hindi maganda so dapat muna ilaga at itapon ang tubig na pinaglagaan..
( Kung Gusto ng makulay ang bihon ilaga sa may toyo at broth sa may gusto,to absorb its taste)

huwag maglalagay ng tubig sa ginigisang gulay at bihon..magtutubig sya at maglalabsahan ang gulay..


Kung gusto ng makulay ang bihon damihan ang toyo at bawasan ang alat ng patis...
you can also watch the cooking video 
click the image below..






enjoyyyyyyyyyy.....


Friday, July 6, 2012

Healthy Ginataang Mais..


healthy oatmeal desserts
mga sangkap..


At bakit Healthy..kase wala po itong asukal at malagkit.....
Para sa mga taong mahilig sa kakanin pero worry sa kanilang kalusugan lalo na sa asukal at bigat ng malagkit sa tyan...
well paminsan minsan is okay lang naman...basta eat in moderation at hindi lage....
Ako medyo hindi talaga basta kumakain ng kakanin ,dahil na ren sa sobrang tamis at ang puting asukal ay kaaway ko..means ayoko ng asukal..

At mahilig ako sa oatmeal...kaya ko ito naimbento..katula na ren ng ginataang monggo,biko,arozcaldo...lahat nito ay oatmeal ang aking ginagamit...

tamang tama ito sa nagsasawa sa oat meal at gatas..ibahin nyo naman yung timpla...basahin nyo ito..

mga sangkap is simple lang syempre...gumawa ako ng para sa aking dami lang so kokonte yung ingredients ko..iadjust nyo na lang...

1 cup Oatmeal..uncook or cooked
1/4 cup or mas konte pa dito..Honey..or any.natural sweet
1/2 cup of corn...
1 cup and half of coconut milk
1/2 cup water..

Howto...
Unang kong ginawa is pinakuluan ko ang tubig kasama na ng coconut milk....at pati na ang mais...
takpan at pakuluin lang ..then ilagay na ang oat meal at honey..haluin lang wag ng takpan...at hintayin na lang maluto..malalaman nyo sa texture kung luto na...malapot at hindi malagnaw...

that all...enjoy your desserts....

watch the related video cooking..click on this image below...




Fish Menudo...

Alam kong karamihan sa aten mahilig sa mga masasarap na pagkaing pinoy..Ang kaso kung pupunahin mo maraming mga pagkain tayong mamantika at lunod sa taba ng baboy ,baka o manok...at mga lamang loob..

minsan napapaisip ako kahit pa nga ito masarap kung bibigyan naman ako ng sakit,ay wag na lang...Bihira ang may ganitong katwiran ano?....ako po ay health conscious..maingay pa sa kulig...~.^...

Hindi naman ako mahilig sa pagkain naten..subalit may oras na ,wala lang na gusto kong tumikim minsan....o gusto ko lang magluto..pero iniiba ko yung mga sangkap para lang ako makakain...tutal ako naman yung magluluto...hindi naman ako magluluto kunde ko ren lang makakain...

Katulad ng recipe ko today..ang menudo usually ang sangkap ay pork ,atay at manok...Dahil sa mga iyan hindi ako kumakain..nalulunod ako sa mantika at hindi ko kyang kumain ng laman ng hayop...

anyway...hindi naman ako nanakot..para lang sa mga health conscious..itong resipi ko ay tamang tama sa mga nag iingat sa kanilang kalusugan at kanilang timbang...

Fish Menudo...Napakasarap ng pag kagawa ko at siguradong kahit sino masasarapan..di nagkaiba sa menudo...kaso wala nga lang taba at atay...

no pork menudo..very good for diet..
isdang mackerel sa Japan..nabibili ng cube cut na..

Sangkap...
Mackerel fish..cut into cubes.
patatas..
carrots.
onion..galic...at kamatis...
red bell pepper
green peas..
raisin
black pepper..soy sauce..sea salt.
.cayenne pepper..some tomato paste.
olive oil..



 as usuall igigisa isa isa yung mga sangkap..at palalambutin ganun lang ...at kapag luto na ready to eat na...



.


watch my video cooking ...click the image below


Tuesday, July 3, 2012

Salmon Burger with pineapple

Para sa mahilig kumain ng burger sa mga fast food...Alam nyo naman sigurong hindi maganda ang palaging fast food ang kinakain....Bakit hindi nyo subukan gumawa ng homemade meall..lalong lalo na sa inyong mga kids..

healthier than fast food burger.. homemade burger...

salmon burger

Kailangan nateng matutong kumain ng tama at may sustanya...kahit man lang sa calories ay hindi laging high calorie ang pinapakain nyo sa inyong anak.ang mga fast food burgers ..french fries..pizza.. ay sadyang napakataas ng mga calories..na nagbibigay sakit o pagtaba ng mga bata o matanda..

Ngayong araw na ito,ginawan ko ng meryenda meal ang aking anak na babae..at dahil alam kong mahilig ang bata sa burger...iniisip ko pa ren palage na makakain sya ng tama at ituro ang wastong mga pagkain...

Ang ginawa ko ay burger na may pineapple....burger but not meat or any animal meat...syempre kunde isda lang ang kaya kong gawen o kaya naman veggie burger..but this time not tuna but salmon...

here is the ingredients..for 2 person recipe
Fresh Salmon..
lettuce
1 tsp of skim milk
pineapple
tomato
some chopped onion ,black pepper and bit of soy sauce to taste
olive oil
1 tbs of ketsup and mayonaise..hindi ako masyado gumagamit nito..pero minsan..basta alam ko yung bilang ng calories ..pag may time gumagawa ako ng sarling sarsa ko sa mga burgers na ginagawa ko...but this medyo easy and quick meal ..so.....
  no need butter .no need cheese..para mababa yung calories..
some photos below..
sliced pineapple

fresh salmon fish

chopped red onion

wheat muffin bread

1 egg white..no yolk

cut and chopped

make a ground salmon meat..
How to cook...
mix all the ingredients in a bowl...and make a shape of burger and fry in a low heat with oilive oil...
lagyan ng ketsup at mayonaise kapag halos luto na......
hanguin ..at i toast ang bread..ilagay ang lettuce.kamatis.pineapple at yung salmon burger...and serve

enjoy your meal............


...watch the tutorial ....click the image below..

......

Monday, July 2, 2012

Crunchy..GINISANG TOGUE

Veggies recipe for healthy diet..no pork added ingredients..crunchy at hindi masabaw na luto....



Para sa health conscious..walang baboy na ginisang gulay..



Ang togue ay kilala sa mga lutuing Filipino...tulad ng lumpia ..ang togue ay gawa sa monggo..na kung malalaman nyo ay hindi madaling gawin dahil mabusisi..at kung bibilhin naman ito ay isang mumurahing gulay...wag nyong isnabin kahit ito mura ..panalo ito sa sustansya...yan ang pakinabang ng togue...

At kung sasamahan nyo pa ng ibang gulay at sahog like tokwa ..ay mas lalong dadami ang bitamina at mineral..

Masisira lang ang sustansya nito kapag masyado ng lutong luto o yung malabsa ..itong aking ginawa ay walang sabaw,walang vetsin,walang instant mix o food flavor enhancer...at walang laman ng hayup...

Okay ang mga Sangkap nito ay ang mga sumusunod....
Fresh Togue..Ang dami depende sa lulutuin ninyo..ako ay nagluto ng pang 2 katao...
onion,garlic,tomato..black pepper..toyo
carrots..repolyo..konte lang na dami nito..
at tokwa...

yes...ang uunahin nyo ay iprito ang tokwa.......at kung tantya nyong pwede na ang luto ng tokwa...
ihulog nyo ang carrots para lumabot...then bawang sa tabi ng kawali...igisa at isunod ang sibuyas....

at kapag alam nyo ng medyo nagisa na ..ihulog ng lahat ang natirang gulay...togue at repolyo...
then timplahan na according to your taste.........i don`t use salt..okay na ang konteng toyo..paminta ...

Video cooking click the image below....





Tokwa at Talong ..Simpleng ulam

Alam kong lahat tayo kilala ito..kung famous ang tokwa at baboy....ay mas pipiliin ko na ang tokwa at talong....ligtas pa ako sa sakit sa puso...ang baboy ay inugali kong hindi na kumakain more than ten years na...

good for breakfast lunch and dinner.. 

wag kalimutan ang tubig..hindi softdrinks or juices..at ugaliing kumain ng prutas..para mas healthy balance..


Noong bata syempre kumakain ako,dahil ngayon marami na akong natutunan sa larangan ng kalusugan...i cut animal meat to my diet..and not for diet reason only...for the care of animal den....anyway...

Ang putaheng ginawa ko kagabi ...ay mura,simple,madali at masustansya...
Ang mga sangkap lang na gagamitin ay napakasimple...

Cooked rice..sa nag babawas ng bilbil..use brown rice..
talong o eggplant
tokwa o yung tofu
olive oil..
  para sa sawsawan..
  you will need..vinegar,soy sauce..black pepper,garlic,[optional..sesame seed]. siling maanghang.or powdered cayenne pepper...

How-to...
  iinitin lang ang kawali sa konteng olive oil..iprito nyo ang tokwa at talong..pwedeng bukod o sabay..kung malaki ang inyong kawali o di naninikit...at kung naluto nyo na ito..itabi muna..

then...gagawa ng garlic rice...gisa nyo ang konteng bawang sa mantika...until golden brown at ihulog ang kanin na dami na gusto nyong isangag....but remember...rice is nakakalaki ng tiyan..so watch the amount of rice always...


At ngayon gagawa naman ng sawsawan...alam nyo na siguro..pag haluhaluin lang ang suka bawang paminta sili toyo at haluin...depende na sa inyo kung anong timpla ang gusto nyo...

enjoy eating....~.^

If you want to watch the Video cooking tutorial...click the image below...


Ginataang Gabi ..for meryenda

Kapag sinabing gata...kahit ano pupwede basta marunong kayong magtimpla at magluto...
Mapaulam man o meryenda......
at ngayon..medyo kakaiba itong nilutong kong meryenda...wala lang kase kong maluto ng iba...gustuhin ko mang makompleto ang sangkap ng bilo bilo ..wala na akong oras mamili,as in malayo pa sa bahay ko..

kahit kamote lang pwede...o kamoteng kahoy o yung balinghoy na tawag sa amin......

anyway,masarap namang igata ang gabi...sa hindi nga lang mahilig ,medyo malapot kase yung gabi pag naluto na...pero siguradong kong masarap naman ito at bagay na bagay sa inyong desserts..pero ako gusto koang gabi...kaya nagluto ako nito..mas bagay talaga may saging na saba...at dahil wala nga...kapalit na ginamit ko ay ang ordinaryong saging...sobrang bagay sya at masarap..subukan nyo ng malaman nyo..

mas masarap syang kainin ng pinalamig muna sa refrigerator...

no added sugar ginataan ..lutong bilo bilo..kulang lang sa sangkap..

healthy ito at bagay sa ayaw tumaba...

Mga sangkap na kailangan ...
3 pirasong gabi..cut into small bite size
1 small piece of kamote..cut into small bite size
5 tbsp of honey
half cup of coconut milk
2 cups na tubig
3 tbsp of powder ube kamote...dito sa Japan available yan..
1/2 na hiniwang saging

howto cook....
syempre..magpapakulo ng tubig sa inyong kaserola ,kahit hindi pa kumukulo pwede ng ilagay ang gabi at kamote...takpan at palambutin ng konte .....after a minute silipin .haluin at ibuhos ang coconut milk....haluin at ilagay ang 5 tbsp of honey.....you can add your own sugar if you want...but i suggest use brown kesa sa white refine sugar...for healthy matter ..
at isama na reng ibudbod ang powdered ube camote...mix well..or tunawin na muna ninyo sa tubig ang ube powder bago ilagay sa niluluto..medyo namumuo pala sya pag direct na inilagay...

so ganoon lang po....bago nyo kainin ,mas maganda pong ilagay muna sa ref at palamigin ng ilang oras para ang gabi ay mawala ang lasang gabi...wag nyong ilalagay ng mainit pa ang inyong ginataan...kapag malamig na sa kaldero saka nyo ilipat sa ref............

So kapag lumipas na ang ilang oras pwede nyo ng tikman...at ilagay sa ibabaw ang hiniwang saging...
Enjoy your meryenda ~.^ don`t forget to drink water...

gabi sa Japan...called satoimo..
ingat di maalergy..may nangangati sa pag babalat ng gabi....

watch the cooking video ..click the image below...

some photos below....

add cut banana for topings..perfect match..to avoid sugar..make the banana as a sweetener...
enjoy eating meryenda...